17

144 9 0
                                    

NAKAAWANG ang labi ko habang pinapanood na maubos na lan ng ganoon iyong...

"Ano na? Nasaan na?" sumunod pala itong si Aniston. Pinaglipat lipat ko ang tingin ko roon sa box na itinabi ko at wala nang laman saka roon sa amo ko. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Tumingin lang sa akin ang lalaki na ngumabngab sa mga tinapay na itinabi ko na parang walang nangyari. Pumunta pa nga ito sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.

"B-Bakit..." hindi ko na matanong ng ayos dahil sa nangyari! Ano ba 'to? Bakit niya inubos 'yon! Ang dami dami nung kinain niya sa kwarto niya. Tapos itong itinabi ko... Inubos rin?!

"You,"tukoy niya sa katabi ko."what are you doing here?" tanong niya. As usual ay seryoso lang iyon, malamig, daig pa ang yelo.

"Ah, ito kasing si Nea," napatingin ako sa kanya. Ano? Nea? Saan naman niya iyon napulot?! "she said, she will bake a bread for me. Pinuntahan ko lang." at bakit ito nakangisi? Tumingin ulit sa akin si Aniston. "So nasaan na ba? Nang matikman ko na 'yan."

Napabuntong hininga na lang ako.

NAKANGUSO at nagkakamot ng ulo na umalis si Aniston. Naawa tuloy ako sa kanya. Tapos itong boss ko naman ay halata namang nagpipigil ng ngisi. At ang salarin? Edi iyong matandang iyon. Ano kayang problema nila sa akin? Ang sasama nila! At naiinis na ako.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki na nasa harap ko ngayon. Nagtitipa sa laptop na parang walang nangyari. Naiirita ako kaya naman gusto ko na sanang lumabas rito at pupunta na lang ng kusina, or kaya mag-cellphone. Tutal ay wala naman akong gagawin.

"Where are you going?" bigla namang tanong nito sa akin. Lumingon muna ako bago pasimpleng umirap.

"Sa kusina,sir." sabi ko. Nakatingin lang siya ng half opened ang mata, parang sleepy ganoon. Pero kapag ganito ang kanyang kayumangging mga mata, alam kong seryoso siya.

"Why? Are you going to bake again?" maya maya ay tumayo rin ito. Nangatog ang tuhod ko ng lumapit ito sa akin ng nakapamulsa. Pero pinanatili ko ang blangkong ekspresyon.

"Tell me," nang nasa harap ko na ito ay yumuko siya. Ako naman ay bahagyang nakatingala. Naamoy ko ang mabango niyang hininga, at halos magdikit ang tungki ng aming ilong. "Did he like you? Or inlove with you, rather?" napaawang ang labi ko sa kanya.

"A-Ano?" nalilito kong sabi. What the heck?! Iw! Never! Hindi ganoon ang tipo ko, at wala iyong gusto sa akin. Alam ko, at ramdam ko. Nao ba ang ipinuputok ng butsi niya? Bakit ganito siya?

"Did he? Or... Did you?" napalunok ako sa klase ng tono niya, para siyang attorney na nagpapaamin ng accused. Itinulak ko ang dibdib niya para makahinga naman ako kaso para ko lang siyang sinundot ng tingting. Sa pagkahiya ay lumusot na lang ako.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?! Kasi sabi lang ni Aniston, kapag binigyan ko siya ng tinapay, hindi na niya ako guguluhin! Eh ikaw, kinain mo pa! Ayan tuloy!" namumula kong sabi. Kumurap ito ng isang bese bago tumango tango.

"Okay then. Bake another, if that his condition, I'm glad to hear it. I don't want to see his face, though." iniwan ako nito saka siya pumasok sa kwarto. You!

KINAKABAHAN ako magluto. Ito na nga, maaga pa lang ay gumising na ako dahil ngayong araw na 'yung celebration... Ang birthday ni Xander Abramovich. Actually nakapamili na naman kami kahapon pa. Ayoko na ring alalahanin ang mga nangyari nitong nakaraan lang. Nababalisa nga ako dahil what if hindi masarap ang luto ko? Tsaka kaya ko ba? Medyo marami rin kasi ito.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Master tapos kumatok. Ilang segundo lang ay bumukas na iyon. Nakatingin ito sa akin na parang hinihintay ako na magsalita.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now