15

158 12 2
                                    

NAUUHAW ako.

Nagising ako kasi nauuhaw ako. Madaling araw pa lang, 2:37 a.m. pa lang. Kahit inaantok ay hindi naman ako nakakatulog ng uhaw. Nakapikit pa ako ng hawakan ko ang door knob.

Bumaba ako papuntang kusina, gamit ko iyong cellphone ko. Sobrang dilim rin kasi rito. Pagbaba ko ay dumeretso na agad ako sa ref at doon na uminom ng malamig na tubig. Sumandal muna ako roon ng ilang minuto, nawawala tuloy ang aking antok.

Nagdesisyon na akong bumalik ng may makitang katiting na ilaw sa dulo ng pasilyo, doon sa kabilang gilid ng malaking hagdan. Natatantya kong malayo iyong pintong may sumiwang na ilaw. Sino ang naroon? Hindi na sana ako pupunta roon kaso lang ay naku-curious ako. Kaya narito na ako sa harap ng pinto. Bukas pa rin iyong flash light ko, kaya pinatay ko muna.

Wala akong maramdaman, ni hindi nga ako kinakabahan. Siguro dahil wala pa ako sa katinuan. Hinawakan ko iyong seradura at napansin na hindi naka-lock. Pinihit ko iyon at sumilip ng kaunti. Wala akong makita.

Madilim lang.

Wala rin naman akong mapapala. Pero bago ko iyon isara, boses ng isang babae ang aking narinig.

HINDI na ako nakatulog agad pagbalik. 2:54 a.m. na, hindi kasi mawala sa isip ko iyong malaswang boses ng babae. Sino kaya iyon? Tumagilid na lang ako at pumikit. May gumuhit sa gilid ng mata ko, mainit iyon. Ah, luha pala. Bakit ako naiyak? Hindi ko rin alam. Hindi ako maingay umiyak dahil nasanay na rin naman ako noon pa.

Ganoon na pala ngayon ang gawain niya. Hindi na talaga siya si Mavy. Iba na siya. Nakatulog na lang ako sa antok na dala ng pag-iyak ko ng tahimik.

LUMABAS muna ako kasama si Finney at Bruno. Maglalaro na lang muna kami. Tutal ay nasa lamesa na ang mga pagkain. Sinabi ko na rin naman iyon sa labas ng kanyang  pinto. Tutal ay malaki rin naman ang buong kalupaan rito, hindi ko na sila tinalian pa. Naupo ako sa bermuda grass at niyakap ang dalawa.

Ala seis pa lang naman ng umaga, malamig lamig pa ang temperatura. Inaantok na naman ako. Kaya tumayo ako para mag-inat.

"Maglaro tayo! Pero bawal akong daanan sa ilalim ng hita ko ha!" nagsimula ko nang habulin ang dalawa. Ang bilis nila! Hindi ko sila mahuli! Lalo na si Bruno!

"Chu chuuuu!" tawag ko. Lumapit naman si Finney kaya hinawakan ko na siya.

"Haha, taya ka na!" tumakbo na ako at agad ako nitong hinabol!

"Ah!" natatawa kong tili. Bigla akong natumba ng dambahan ako ni Finney. Hindi naman masakit kasi sa damuhan ako natumba.

"Ang daya ninyo!" nagpahinga na muna kami bago pumasok sa loob ng mansyon.

MAY babae sa sala. Nakita ko lang siya noong maglilinis sana ako. Simple lang ang ayos niya, pero halata namang mayaman. Straight ang buhok nito, ang dress niyang white at fitted, naka-make up rin ito.

Pero mukhang mabait. Nginitian kasi ako nito kaya ngumiti na rin ako. Nakahihiya naman kung hindi.

Nagpakilala ito kanina sa akin, siya raw si Laileigh o Lai na lang raw. Hindi ito kasing-arte ni Aurora. Simple lang itong kumilos. Ang boses rin niya ay pamilyar. Kaso nga lang ay kanina pa ako naghihintay rito, nasa kwarto siya ni Master. Nagluto muna kasi ako ng lunch, at tapos na ako't lahat lahat ay wala pa ring lumalabas sa kanilang dalawa.

Naglalaro kami nila Finney ng makarinig na ako ng mga yabag. Tumayo na ako at nakita ang babae. Nasa likod ito ng amo ko.

Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko ng makita ang ayos ng babae. Kung kanina ay ang fresh nitong tingnan, ngayon ay pawisan na ito. May lagpas rin ang kanyang lipstick na kanina lamang ay ang ayos-ayos. Lukot na rin ang damit nito, at ang buhok na magulo ay kanyang ipinupuyod habang papalapit sa akin.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now