24

228 7 0
                                    

PAALIS kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ayaw sabihin ng mokong na katabi ko ngayon sa driver seat. Nakasimangot ako na nakatingin sa bintana habang naka-krus ang braso sa dibdib.

"It's a surprise, don't be cute too much today ." umirap ulit ako kahit alam ko namang namula ang pisngi ko. Galing din nitong buwisit na ito, ah? Magaling magpakilig. Paano naman tayong marurupok nito?

"We're going to my grandma's house. She will definitely like you." napatingin ako bigla sa kanya. Totoo ba?!

"Ano?! Sa lola mo?! Hindi mo man lang ako pinag-ayos!"

He's really a... Hays! He chuckled then took my hand for him to hold.

"You don't need to put some make ups, you're naturally beautiful." he said and winked at me.

"Bolero." binawi ko ang kamay ko saka naglabas ng salamin.

Ito lang naman ang dala ko, eh. Inayos ko ang buhok ko ang ngumiti pa. Nag-pa-practice ng mukhang ihaharap.Ang nasa tabi ko naman ay kanina pa tumatawa ng mahina. Pero bahala siya riyan, nabubuwisit ako sa kanya.

Pero what if iyong lola niya ay kagaya ng ibang lola na pili? Magugustuhan ba ako noon? Eh, nagmula lang naman ako sa isang servant, katulong, tagasilbi. Ang pamilya ko pa ay nasa kulungan.

Bigla akong nawalan ng gana.

"Why? Do something bothering you?" naramdaman kong bumagal ang takbo ng kotse.

"W-Wala..." umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik ang salamin sa bag ko. Kinunutan ko siya ng noo ng tumigil sa tabi ang kotse.

"Tell me." nang tiningnan ko na siya ay seryoso na siya. Kasi Nea, masyado kang halata eh.

"A-Ano kasi. . . paano kung hindi niya ako magustuhan? Hindi ba... servant mo lang naman ako noon, tapos yung mga... magulang ko, n-nasa kulungan pa... ni wala nga akong bahay..." nakayuko kong sambit. Wala naman akong narinig na sagot sa kanya kaya medyo nanliit ako. Na-realize ba niya? P-Paano kung—

"Stop doing that." tumikhim siya at pinaandar ang kotse. Iba na rin yung pagkakaseryoso niya. Ganito ang mukha niya kapag may nasasabi akong mali sa sarili ko. Pero tama naman ang mga sinabi ko...

"Stop making yourself untreasured. I don't care if you're rich or poor, I don't care if you're parents are in jail or not, because it's not the thing I love about you." tumingin ako sa labas ng bintana para naman maiwasan ko ang mata niya.

"You are beautiful in different way. And for you to know, my grandma is not that strict. She's kind." kinuha niya ulit ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga kamay. Isa na lang ang nasa manibela ngayon.

"Trust me." nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti na siya. Kaya naman ngumiti rin ako ng maliit. Ang kamay ko naman ay hindi na niya binitawan pa.

NATAMEME ata ako ng makita ang payapang paligid. Nagtaka ako kanina kung bakit ang dinadaanan namin ay lupa pero hindi naman ako nagtanong pa. Sariwa ang nalalanghap kong hangin dahil puro puno at halaman ang nakikita ko. Sa harap namin ay mayroong palayan, para itong alon na gumagalaw dahil sa hangin.

"U-Uhm..." tumingin ako kay Xander na nakapamulsa habang nakatingin rin sa palayan. Mahangin kaya ang buhok niya ay gumagalaw. At ang cute niya riyan.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now