03

269 15 0
                                    

"BABES!"

Napapikit ako ng mariin. Si Mellaria naman ay hindi ko na napansin na lumapit sa akin.

"'Wag ka nang lumabas..." sabi nito sa akin. Umupo siya sa kabilang upuan, saka tumingin sa pinto.

"Magmi-meeting kami! Umalis ka nga! Busy kami , eh!" naiinis nitong pagtataboy sa lalaki. Tumawa naman si Zafius na akala mo'y tropa lang namin.

"Sige na nga! Babalik nalang ako. 'Love you Babes!" napaiwas ako ng tingin sa mga kinikilig kong kaklase. Bago umalis si Zafius ay nakipagtitigan muna ito sa lalaki na katabi ko.

Hindi rin naman nakatakas sa akin ang pagngisi ni Zafius.

"Walanghiya talaga ang lalaking 'yon. Ang kapal ng mukha niya." lumingon si Mella sa akin bago nagsalita ulit. "May utang kang kwento sa 'kin!"

Sinamahan niya ako sa restroom bago ako nagkwento.

MATAPOS kong ikuwento lahat ay tulala lang si Mellaria.

"Grabe na talaga ang magulang mo... Tapos si Zafius , walanghiya siya! At si Mavy? Salamat nalang at nandoon siya..." Hindi ko na nga napansin na umiiyak na si Mellaria.

"Sorry, wala ako kahapon... Ayan tuloy. Tapos foundation lang pala 'yan, oh!" itinuro niya ang gilid ng bibig ko.
"Tapos ang init init, naka-jacket ka. May pasa ka pala, eh." ngumuso siya para pigilan ang luha. Natatawa tuloy ako sa itsura niya.

"Huwag ka na nga umiyak! Lalo kang napanget!" nagtawanan kami bago bumalik sa room.

"Pero, astig 'no?'Di ka naman niya kilala talaga,tapos nag-aalala sa' yo. Saka, bakit ka niya sinusundan?" nagkibit balikat ako bagaman pareho kami ng tanong sa isip ko.

Baka caring talaga siya sa lahat ng tao.

Nang makapasok kami ay nakarinig ako ng tili.

" Ah! "nagulat ako ng madapa mismo sa harap ng upuan ni Mavy. "Ouchyyy!"dagdag pa nito. Natawa ako sa itsura nito dahil halatang nagpapabebe.

"Someone help me! It hurts, huhuhu!" sabi pa ng babae. Napapailing akong lumapit sa upuan ko.

"Ayan na si Ma'am!" biglang napatayo si Mella at nagpagpag ng palda. Nilingon niya si Vincent at masamang tiningnan. "Wala naman!" sabi nito. Ewan ko ba sa mag-jowang ito. Parang hindi seryoso sa relasyon.

Lumapit siya sa 'kin saka umupo sa upuan na katabi ko sa kabila.

"Confirmed! Sa 'yo lang caring!" bulong nito. As a normal girl, I blushed. Like a little girl who received a chocolate from his crush.

But, no. Hindi ko nga siya kilala ng malalim, eh. Tsk.

"Nalaman mo."

ITO na nga ang oras na ayaw kong dumating.

Break time na. Kaya hindi na naman mapakali ang dibdib ko. Palipat lipat ang tingin ko sa bintana at pinto. Alam kong darating siya.

Warm hand hold mine. I looked at Mellaria who was smiling genuinely. Her gestures always saying that everything was okay.

1...

"Gusto mo ba ng tubig?"tanong ni Mell sa 'kin. Tumango lang ako saka niya kinuha ang bottled water.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now