22

165 7 0
                                    

NAGISING ako dahil may tumatamang liwanag sa aking mata. Pagmulat ko ay otomatikong bumilis ang tibok ng aking puso. Shit. Nasaan ako? Hindi pamilyar ang kwarto kung nasaan ako. Kakaiba rin ang amoy kahit mabango. Hindi ito ang scent na nakasanayan ko.

Ang kwarto ay malaki. Ang kulay ay dalawa lang. White at gray. Malinis ang kwarto ngunit walang kabuhay buhay. Balak ko agad na tumakas pero hindi ako nakaalis. Bakit? Kasi nakatali pala ako. Pati ang bibig ko ay may panyo. Nakatali ang mga kamay ko at mga paa. Hindi lang basta tali. Kadenang may parang posas!

Agad na naglandas ang aking mga luha sa pisngi. Ayoko dito! Sumigaw ako kahit may nakabusal sa akin na panyo. Bumukas ang kwarto at pumasok ang isang lalaking hinding hindi ko makakalimutan. Napakalaki agad ng ipinagbago nito. Nakakatakot na ang dating niya kumpara noon.

"Hello." agad kong naalala sila Xander at Crystashalyn. Ayos lang ba sila? Diyos ko! Sana ay ayos lang po sila! Umiiling na napasiksik ako sa dulo ng kama. He just smirked and put his hands on his pockets.

"Ano? Long time no see. How are my babes?" nang makaupo sa kama ay hinawakan niya ang baba ko.

"I just missed you." bulong nito. Agad ko siyang nasipa sa sikmura. Napahawak siya roon ang napangiwi rin. Tumayo na ito bagama't nakangiti pa rin.

"Papadalhan na lang kita ng makakain." sabi nito saka tumalikod. Walanghiya siya! Paano ako aalis dito?! Natatakot ako. Ayoko na rito. Pakiramdam ko, papatayin niya ako! Pilit kong tinatanggal ang mga nakakadena sa akin. Namumula na ang mga paa at kamay ko pero hindi ko pa rin matanggal. Nanlulumo akong napaiyak na lang.

Maya maya pa ay may pumasok na matandang babae sa kwarto ko. Siguro nasa 50 plus lang ito. Walang kabuhay buhayang kanyang mga mata. Pero ng tumingin sa akin ay lumamlam ito. A-Ano bang balak niya?!Bakit niya ako kinuha?!

"Kumain ka na ineng. Pagkatapos, lilinisin ulit natin ang mga sugat mo." sabi nito. Humihingi ang aking mga mata ng tulong pero iniiwasan naman niya.

Tinanggal niya ang panyo sa bibig ko. Agad akong nagsalita.

"T-Tulungan niyo po ako..." umiiyak na hiling ko. Yumuko lang siya at sinusian ang aking mga kamay. Natanggal ang pagkakaposas roon.

"Hindi kita mapagbibigyan." iniwan na niya ako sa kwarto. Wala naman akong ganang kumain. Hindi ko iyon kinain. Iyak lang ako ng iyak, natatakot rin ako.

Bakit pa siya bumalik?

I thought he already let me go. But why... Why?! He's the biggest nightmare I have ever had. I don't want to see him. Even I thought I am ready to face him but I can't. I just want to live peacefully. I just want to escape from my traumatic past. But why? Why do I need to experience this?!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Kailangan kong umalis rito. Paa ko na lang ang nakatali kaya sinubukan kong kalasin ang kadena roon. Namumula na ang aking paa pero hindi ko magawa gawang tanggalin. Napalingon na lang ako sa bumukas na pinto. Umiiling ako na napaatras.

"A-Anong kailangan mo sa akin?!" nanginginig kong asik sa kanya. But what's with that stare?! Bakit siya maamo?! Hindi niya ako maloloko ng ganoon lang. "Pakalwan mo ako rito!" humihikbi na sabi ko.

He sat on the bed and stare at me.

"I missed you." he even smiled at me! And that smile turn into a smirk. He's insane! He's crazy! "Don't you miss me?" he whispered. Nangilabot ang buo kong kalamnan. Ayoko na! Hindi ko na hahayaan na babuyin niya akong muli. Inalis niya ang mga nakakabit sa paa ko.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now