13

160 10 0
                                    

HINDI dapat ako maging awkward.

Syempre, halata namang wala talaga siyang pakialam sa akin. Ano pa nga ba't kumilos ng maayos. Hindi naman ako apektado eh. Napa-ayos ako ng higa at humarap sa kisame. Hindi ba dapat kong turuan siya ng leksyon? Dapat magiging malas ako sa buhay niya ah.

Pumikit na lang ako at nagkumot ng maayos. Huwag na lang siguro. Magtatrabaho nalang ako ng maayos, para mabuhay. Kas pag-alis ko rito or na-fired ako at nag-resign ay saan ako pupulutin? Kaya kailangan ko rin mag-ipon dahil hindi sa panghabang buhay ay dito ako mamamalagi.

Kailangan ko nang matulog. Gigising pa ako ng maaga para maglinis at magluto.

HABANG nasa pamilihan ay napatingin ako sa mga harina, baking powder , at kung ano ano pang pang-bake. Na-miss ko sila bigla. Wala pa naman akong sweldo kaya hindi ko rin sila mabibili. Mag-i-stock na kasi ako ng mga ingredients, meats at gulay pati na mga prutas. Maya maya ay nalaglag ang dala kong basket ng prutas kaya ng pupulutin ko sana ay may nauna na roon.

Kamay at pagkakatayo saka pananamit pa lang ay kilala ko na! Ang ganda sana ng araw ko e.

"O, napadpad ka ata dito?" pagsusungit ko sa lalaking mayabang! Bakit naman siya nandito? Okay. Hindi naman rin imposible dahil malaki ang pamilihang ito. Hindi tulad ng mga palengkeng marurumi. Para nang mall itong binibilihan ko. MegaNale Store at pagkalaki laki ng espasyo . Ang mga station ay ang eelegante. Mga fresh na fresh. Syempre hindi lolita ang damit ko. Disenteng damit ito ano.

"Bawal na ba ako dito?" nakangisi nitong sabi. Bakit ba siya palaging nakangisi? Anong problema niya? May nakakatawa ba sa mukha ko?

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa pagpupulot tapos ay dumeretso na ako sa cashier. Nakakainis siya. Bakit ba siya nasunod sa akin? Kaunti nalang, iisipin kong na-love at first sight siya sa akin—kaso lang, alam kong mayaman siya, hindi ito papatol sa isang tagasilbi lang.

"Sungit naman!" naiirita ko siyang tiningnan at nagpamaywang sa harap niya.

" May gusto ka ba sa akin ha?!" naiirita kong sabi. Kasi tingnan mo, pwede namang bumili na lang siya at huwag na akong puntahan! Kainis! Guwapo nga siya pero buwisit siya.

Pero malay ko ba kung... nang -iinis lang siya? Nahiya tuloy ako ng patago.
Lalo nang tumawa ang loko. Namula tuloy ako sa inis!

"Grabe naman ang taas ng pangarap mo. Pwede na din." tumawa ulit ito kaya iniwan ko na siya. Bahala nang isipin ng mga tao na baliw siya. Kahit totoo naman!

"Wait! Do you want me to drive you home?" this time ay hindi na siya maloko. Nakangiti na lang ito.

"Huwag na. Nasa labas lang si Manong Noel." si Manong Noel pala ay driver doon. May mga guwardiya rin sa labas at loob ng gate pero may limit. Wala na rin naman sa harap at likod ng mansyon. Tapos yung mga guards ay may sariling villa. See? Sana all.

"Okay." sagot nito. Matapos makapagbayad ay binuhat ko na ang mga iyon. Hindi na ako nagpaalam sa lalaki dahil hindi ko naman siya kaano-ano. Nasa palabas na ako ng may umagaw ng mabilis sa hawak ko!

"Snatch—" napatigil ako ng makita at natatawang mukha ni Aniston. Oo, Aniston Frille. Edi sige, sila na ang may unique name. Napabuga ako ng marahas ng hininga! Naiirita ako sa kanya.

"Akin na nga 'yan! Ki-al-al ka na naman. Umalis ka na nga! I don't need you here." inirapan ko ito at pilit na inaagaw kaso ayaw! Tinanaw ko si Manong Noel tapos ay kumaway para sabihing tulungan ako. Kaso ito namang lalaki ay umiiling.

"Wala kang awa. Matanda na nga e pagbubuhatin mo pa." napanganga ako ng agawin niya ang lahat ng dala ko. Hinayaan ko na lang siya, bahala siya.

Nang makarating ay papasok na sana ako sa pintuan sa back seat ay pinagbuksan pa ako. Hinampas ko ang kamay niya." Alis! " pagtataboy ko. Kumindat ito tapos ay inilagay na ang mga pinamili sa compartment. Sumilip ito sa bintana tapos ang nag-flying kiss! E-Ew?!

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now