23

238 9 0
                                    

B-BAKIT siya nandito?!

Kung kanina ay malamlam ang kanyang mga mata,ngayon ay tila nakabawi siya't sumeryoso muli ang mukha. Namimigat ang mata ko sa nagbabadyang luha at sa hilo. Pagod na ang katawan ko.

Ilalapit sana niya ang isang pirasong bulak na may gamot pero umiwas ako.

"U-Umalis ka na." mahina pero madiin kong sambit. Paos na rin ako kakapigil ng hikbi. Umaasa ako na tutulungan niya ako. Pero walang kahit anong reaksyon ang kanyang mga mata.

Muli niyang inilapit ang bulak pero sisipain ko sana ang tuhod niya, pero agad ding nakaiwas,hindi ko pa man naiipuwersa ang paa ko.

"H-Hindi mo ba ako tutulungan?" nanginig ang labi ko nang siya ay tanungin ko.

He looked at my face like he's recognizing something, and in a second, his eyes became darker than earlier. He stood up and took the first aid kid then turn his back on me.

"V-Vincent!" pahabol ko. Tumigil siya pero hindi lumilingon.

"You can't catch any sympathy from me." he said coldly.

I cried once again because I'm scared at this dark basement, the mosquitoes were biting me and my neck hurts. My mind was clouded, I'm crying like crazy and I don't know what to do.

I can no longer hold my sense, that's why my vision blacked out and I fell asleep,o kaya ay hinimatay talaga.

Hindi ko alam kung panaginip lang na may bumuhat sa akin. Ang alam ko lang ay habang buhat buhat ako nito, parang may mga putok ng baril akong naririnig.

May nag-uusap rin na sa tantya ko ay dalawang lalaki. May narinig rin akong boses ng babae.

Pero bago tuluyang mawalan ng ulirat, may narinig ulit ako na hindi ko alam kung panaginip nga ba.

"I-I'm sorry... Baby, please hold on..."

NAGISING ako sa isang malambot na higaan. Pero hindi ito kama. Parang—dayami?!

Nanghihina na umupo ako at nawalan ng tibok ang aking puso ng makita ang sarili sa isang kwadra. Wala namang mga kabayo pero kahit madilim, alam kong nasa kwadra ako. Natakot ako dahil hindi ko alam kung papaano ako nakarating dito. Pero kung si Zafius man ang nagdala sa akin rito, bakit sa kwadra pa?

Hindi ko alam ang gagawin ko, pero wala talaga akong ginagawa. Nakatulala lang ako sa kawalan. Ni hindi ko na rin makontrol ang sarili. Parang gusto ko na lang matulog.

Nakarinig ako ng kaluskos sa labas kaya napakurap ako at agad ulit na kinabahan. Nagtago ako sa likod ng isang pader habang yakap yakap ang dalawang tuhod.

"N-Nasaan siya?!" nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Althea. Handa na akong tumayo pero isang boses ang nagpatayo sa balahibo ko.

"Where?" napakagat ako sa labi ng marinig si Zafius. Please naman... Ayoko na...

"D-Dito ko... Nakita kanina, p-pero—" may narinig akong lumagitik. Napa-awang ang labi ko. Did he just slapped her?!

"Damn you, woman. You wasted my time." sumilip ako rito at nakita na lang ang likod ng lalaki. Pero agad akong nagtago ulit ng tumigil ito sa paglalakad, pero hindi humaharap.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now