38: Saudade

139 7 0
                                    

"Kuya?"

Nagkukumahog na tumayo si Cin nang makita ang kapatid. "Kuya Nathan?!"

Nathan lowered his gun down and ordered his men to do so. Inilahad nito ang palad sa kapatid. "Merrida, come here. Don't listen to whatever he tells you. That man is poison to your mind!"

"Merrida? Who's Merrida?" Cin asked in confusion. "Kuya, I'm Alcindra. Did you forget about me?"

Patdang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at kay Cin. Nang mapagtanto ang sitwasyon ay nakatiim-bagang na humakbang ito palapit pero nag-iwan ng ilang metrong pagitan nang makita ang baril na nakasiksik sa pantalon niya.

"Cin, come here. Come on, angel. Let's go home now."

Nag-aalinlangang nag-angat ng tingin sa kaniya si Cin na para bang humihingi ng permiso.

Langdon smiled at her gently and nodded. "Go."

Pero hindi kumilos si Cin. Umiiyak na hinihintay pa nito ang sagot niya sa tanong nito kanina.

"I want to be with you forever. Will you take me to Monaco with you, Lang?"

Naghihirap ang kalooban na pinahid niya ang luha sa mukha nito. "Go to your brother now."

Please stay with me, piping hiling niya sa utak.

"You need him the most."

I need you the most in my life, Cin.

"Go." Bahagya niya itong itinulak papunta sa kapatid nito.

Please, don't go. Don't leave me.

"Get away from my sister, Asturia! Can't you see what you're doing to her?! Stop manipulating her," asik ni Nathan nang makitang nahihirapan pa ring magdesisyon si Cin.

"You're the one who's manipulating her! Kaya ba wala siyang maalala dahil sa iyo?!" balik niya rito.

"Wala siyang maalala dahil sa ginawa mo sa kaniya! You killed her and her baby!"

Nanlamig siya sa narinig at agad na tumingin kay Cin na nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"B-Baby?" usal nito at napatulala na lang sa kawalan. Pumatak ang luha sa mga mata nito kasabay nang pagyakap nito sa kaniya.

"Lang! I remembered it all now!" Nakangiti ito at kumikintab ang mga mata sa luha habang nagsasalita. "We have a baby, Lang. I am pregnant." Kinapa nito ang tiyan at nakangiti pa rin nang mag-angat ng tingin sa kaniya.

"We have a baby! I named her already!"

Nathan averts his eyes so he couldn't watch how her sister displayed false hope while Langdon dares to look her in the eyes to forever remind himself of his unforgivable sin.

"This is what you've done, Langdon. This is all your doing!" sigaw ni Nathan nang hindi na makayanan ang nakikitang panlilinlang sa sarili ng kapatid. "Because of you, my sister became like this! Look at her!" Pinaputok ni Nathan ang baril sa taas. "Look how you killed her again and again!"

Hilam sa luha na tiningnan niya itong mabuti.

Nakangiti lang si Cin habang hinahaplos nito ang tiyan. Animoy wala na itong naririnig na anumang tunog mula sa paligid.

Bigla na lang uli itong natulala sa kawalan at wala sa sariling tumulo ang mga luha.

"I was pregnant... But I don't have the baby in me." Tumingin ito sa kapatid na nakatiim-bagang. "Kuya, where's my baby?!"

Susugurin sana nito si Nathan pero agad niya itong hinila sa yakap niya. She's shouting and hitting him until she loses her energy.

"My baby, Kuya Nathan! Nasaan ang anak ko kuya?! Nasaan ang anak namin ni Langdon?! Kuya, yung anak ko! Nasaan ang anak ko?!"

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now