23: Ultimatum

136 8 0
                                    

"Did you like my gift to you, Langdon? Thanks to you, I was able to execute my original plan."

Nakuyom niya ang mga kamao nang marinig ang boses ni Nathan.

"Wag mo na silang idamay pa, Nathan. I told you can kill me anytime. Bakit mo pa pinatay ang tauhan ko?"

"Tsk, tsk. Langdon, alam mong digmaan ang pinasok mo sa oras na ginawa mo iyon sa kapatid ko. Kulang pa iyon. Uubusin ko lahat ng mga kakampi at kamag-anak mo bago kita patayin."

Hininaan niya ang boses saka lumabas sa silid nang natutulog na si Cin. "I won't let you. Ako lang ang may kasalanan. Ako lang ang dapat na magbayad. You spare them."

"Wala ka sa posisyon para sabihin iyan. Hindi ikaw ang nawalan. And may I remind you that you've plotted against all of us because you think we killed Cas."

Natahimik siya sa sinabi nito. It's the truth. He spent all of his time in Spain planning his revenge for all the Alcantarans.

"You killed Cas and now you're using her against me! Hindi ka ba nakokonsensiya na gamitin siya pagkatapos niyo siyang patayin? You're his cousin, Nathan! That baby in her womb is mine!"

"And so you have to kill my sister, too? My sister is pregnant too with your child, you demon! Ako at ang ama ko ang may kasalanan sa iyo pero bakit siya ang pinatay mo?! This will not just end by killing you, Asturia! Sisingilin kita pati sa mga utang ng mga kanunu-nunuan mo! Deliver me your finger this week. Kung hindi ay ang kapatid mo ang pupuntiryahin ko."

"No!" he screamed in horror upon the mention of his sister but Nathan already hung up. "Don't you dare touch my sister! Nathan!"

Labas ang mga litid sa leeg at namumula ang mukha sa labis na galit na ibinalandra niya ang cellphone sa sahig. Warak na nabasag at nagkapira-piraso ito.

"Ahhh!"

Kumaripas siya ng takbo patungo sa silid nang marinig ang takot na sigaw ni Alcindra. He found her in the bed in a pitiful situation. Yakap nito ang unan, umiiyak, at lagus-lagusan ang tingin.

He cradled her face into his hands in the gentlest way possible for fear that he might scare her off.

"Cin? Cin! Cin, are you okay? I'm here. Lang is here. Tell me what happened."

Basta na lang siya nitong niyakap. Nanginginig at napakalamig ng katawan nito kaya mahigpit niya itong niyapos at inalo.

"Hindi ko alam basta nagising na lang ako na ang sakit sakit ng dibdib ko. Parang may tumagos. I just cried because it's the only way to get rid of the pain."

Tiningala siya nito ng may luha sa mga mata.

"Para akong nahuhulog sa bangin patungo sa napakalamig na tubig, Lang. My dreams felt so real, Lang. I think I almost died."

Nalukot ang mukha nito sa sakit at sinuntok ang dibdib.

"No, please. Don't do it."

Kinuha niya ang kamay nito at pinadama sa puso niya.

Nilabanan niya ang pangingilid ng luha nang makita ang pilat nito sa bandang itaas ng dibdib tanda ng bala na ginamit niya sa pagbaril dito.

"It's just a dream, Cin. It's not real. What's real is this."

Pinadama niya rito ang sariling pulso. "My heart is beating. You are alive. Dreams can't do anything to us, okay? You're okay. You will be alright."

Tinuyo niya ang luha nito at yakap pa rin na kinumutan ito saka unti-unting humiga kasama ito. Laying there on the same bed brought memories back with her when she used to lay on the carpet beside him to steal some photos.

Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya at pumikit.

"It has always been my dream to hug you like this, Lang."

"Me too," he whispered in her ear and lolled her to sleep.

Nagdurugo ang kaniyang puso sa nakikitang pagdurusa nito. If only he could trade places with her, he would. But as always, he's already years late. Nasaktan na niya ito. He literally killed her.

Mas mabuti pa sanang bumalik ito para maghiganti sa kaniya. Konsensiya at puso ang kalaban niya ngayon.

Doon tumunog ang cellphone niya. Gamit ang isang kamay ay tiningnan niya ang numero at napakunot-noo. Unregistered number.

"Hello," sagot niya.

"Asturia."

He paused for a while before putting it back on his ear.

"Who's this?"

"You don't have to know who I am. Ang mahalaga ay alam ko na nasa iyo ang pinsan ko."

Patdang tiningnan uli niya ang numero. It's not one of those numbers they hacked.

"I'm giving you a second chance with her, Asturia. Two weeks. That's all I can give."

"Why are you doing this?" Nahanap niya rin ang boses pagkalipas ng ilang sandali nang paglimi sa intensiyon nito.

"I'm not doing this for you. It's for Cin whom you killed. She lost her memories after you murder her. Don't ever forget about that. You're the reason for her suffering so you should bring her back. Pay the price of your sins by letting her remember what you've done to her. Two weeks, Asturia. Make her remember everything. Speak if you understand."

Tiningnan muna niya ang natutulog na babae bago sumagot. "I do."

"I'm expecting you to."

"I will. Thank you."

"You should be," may pang-uusig sa boses nito bago pinatay ang tawag.

Ilang oras siyang nakatulala habang nakatitig sa natutulog na si Cin. Panatag na ang paghinga nito kaya nawala na ang pag-aalala niya.

Maingat siyang bumangon at nagtungo sa kusina. Hindi rin naman siya makatulog kaya ginawa na lang niya ang kanina pa niya gustong gawin. May naipadala ng video sa kaniya si Sergio kung paano magluto ng paella.

Lulubusin na niya habang maayos-ayos pa ang kamay niya. Next week, he'll have to cut off another finger so his grip will likely be affected.

For the whole night, he'd done and redone the whole dish until he's satisfied. Tumilaok na lang ang manok ay hindi pa siya tapos kaya hindi na talaga siya nakatulog.

"Good morning, Lang," bati nito, naghihikab at kinukusot ang mata.

Sinagot niya ang ngiti nito sa pamamagitan ng paglalagay ng salamin sa mata nito na nakaipit sa t-shirt niya.

"Here's your glasses, pretty lady."

Nang luminaw ang mata nito ay doon pa siya nito binigyan ng matamis na ngiti at binati.

"Good morning, Cin."

Tinitigan nito ang  nakahain sa mesa at nagpalipat-lipat ang masayang mukha sa kaniya at sa pagkain.

"Wow! Paella!" bulalas nito sa nagniningning na mata.

He can't help but be captivated with her infectious smile. Bigla rin yatang lumiwanag ang lahat sa kaniya kaya nagawa niyang ngumiti rin dito.

It's indeed a good morning.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon