31: One Less

127 8 0
                                    

"Langdon, naghihintay ako."

Iyon lamang ang lamang mensahe ng virus na ipinadala ni Nathan sa kaniya na natapos niyang i-decode.

For the past two years, bigla bigla na lang itong sumusulpot sa buhay niya para singilin siya sa parte niya na gusto nitong makuha.

He also thought it's justified. Daliri lang niya ang mawawala samantalang buhay ng kapatid nito mismo ang inutang niya.

Itinigil niya ang kotse sa hangganan ng lupain ng mga Asturia at Alcantara kung saan tanaw na niya ito na nakaupo sa damuhan naghihintay sa panibagong item na isasama nito sa koleksiyon.

Kinagat niya pahubad ang gloves at isinara ang pinto ng kotse gamit ang paa. Pagkatapos ay kinuha ang Swiss knife sa bulsa at nakatiim-bagang na iniusli ang panggitnang daliri at mabilis na pinutol ito at sinalo ng kabilang kamay.

Tumilamsik ang dugo papunta sa kaniyang damit at mukha na balewalang pinahid niya at patuloy na naglakad sa lalaki na nakangisi sa kaniya.

Medyo immune na siya sa kirot ng pagputol ng sariling daliri. Nasanay na sa pisikal na sakit kaya nakakaya niya nang tiisin.

Itinapon niya ang duguang daliri sa paanan nito saka walang salitang tumalikod.

"Langdon," tawag nito, ang boses ay nangungutya.

Tumigil siya para lingunin ito. Ibinalot nito ng panyo ang daliri niya at tinitigan ito nang maigi.

"Pasagwa nang pasagwa yata ang itsura ng daliri mo. Baka sa susunod na pagkikita natin ay kulubot na ito lahat. Sayang naman ang binubuo kong kwintas kung papangitin mo lang."

"I'm sorry. Sisiguraduhin kong mas presentable pa sa susunod," labas sa ilong na sagot niya rito.

Nathan carefully put the cloth into his pocket and stared right into him. "I hope you're suffering endlessly."

"I am," pag-amin niya.

“It's not enough. I hope Cin is visiting you every night asking you why did you do it. My sister is the purest being I know, Langdon. Ang gusto lang niya ay buo kaming lahat sa mga pagtitipon habang tumutugtog siya ng cello sa harap. She’s so precious, so innocent and pure but you tainted her.”

Umiling ito at natawa nang mapakla nang mapatingin sa ibaba ng dagat mula sa burol.

“Ngayon, kahit na anong gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang dati, hindi ko na siya maibabalik pa kahit kailan. Cin is gone. Only the pieces of her remained. You got the best of her.”

Nagbaba siya ng tingin nang masapul nito ang butas sa puso niya.

Kinapa nito ang daliri niya sa loob ng bulsa nito.

“Eto? Etong mga daliri mo? Ilalagay ko ito sa bawat bahay na titirhan ko. I’ll show them to every visitor I’ll have as my greatest conquest. I’m not going to stop until I got all your parts of your body in a slow painful way.”

Sinalubong niya ang malamig na mata nito. “Gawin mo ang gusto mo basta ‘wag mo lang idamay ang kapatid ko.”

Nathan gave out an evil smirk. “You think this ends here? After you die, I’ll hunt every Asturian in the planet and who knows what would I do to them. ‘Wag mo na ring pangarapin pa na magkaanak. Hindi ko siya tatantanan dahil sa dugong mamamatay-tao na nananalaytay sa ugat niya. Dahil sa iyo ay walang hanggang paghihirap ang dinanas ng kapatid ko.”

That struck him deep. Right. Cin has been in pain ever since because of him so why is he trying now to make her remember her memories? Is it for her to re-live the pain again?

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now