Chapter 13: Unwashable Wound

173 7 0
                                    

Monte Vega

Fifteen years ago...

"Señorito Luisito! Señorito!"

Humahangos na tumakbo palapit ang tauhan ng hacienda sa terasa kung saan kumakain ng meryenda ang buong pamilya.

"Sendong, slow down," ani Luisito Claudio Asturia, ang kakambal ni Ricardo Mercutio Asturia na ama ni Langdon. "Now tell me what's wrong?" mahinahon nitong tanong matapos ibaba sa narrang mesa ang puswelo ng tsaa.

"Pasensiya na po kayo señorito at nagambala ko pa kayo ngunit natagpuan na po si Señorito Ricardo sa tubuhan, puno po ng bugbog, duguan, at walang malay!"

Napasinghap ang lahat maliban kay Luisito na napatiim-bagang at Langdon na tahimik sa silya at nagku- coding sa laptop na dala.

"Call the elder guards. Sila ang susundo sa kaniya," utos ni Luisito.

"Luisito!" Napatayo sa pagtutol si Laura, ang kaniyang ina.

Parang walang nangyari na bumalik sa pagbabasa ng dyaryo ang tiyuhin.

"Maupo ka, Laura. Tama lang ang ginawa ko para maturuan ng leksiyon iyang asawa mo para magtanda siya. He's ageing backwards. Sendong, sige na."

"Opo, señorito."

Tumayo si Luisito kasunod ni Laura papunta sa study room. Sinundan nila ng tingin ni Cahil ang dalawa.

"Kuya, what's happening? Is Tito Ricardo okay?"

Huminto sa pagtipa si Langdon nang makitang lumabas na umiiyak ang ina.

"Papa will be okay. You stay here, Cahil. I'll be back."

Sumunod si Langdon sa study at magalang na tinanong ang tiyuhin na busy sa harap ng monitor.

"Tito, what are you doing? Bakit mo isinumbong si papa sa mga elders?"

Sinulyapan siya saglit ng tiyuhin. "Isang malaking kasalanan ang ginawa ng ama mo, Langdon. He will be evaluated by the elders according to the sins he'd committed."

He angled his head not believing his lie. "If so, then why weren't you evaluated by the same sin? Mas may bibigat pa ba sa kasalanang ginawa ninyo ni mama? And I know why you did it so that you will have finally my mother all for yourself," malumanay niyang saad na parang nagpapaliwanag lang ng paksa kay Cahil.

Hinubad ng tiyuhin ang salamin nito at tinitigan siya. "At ano naman ang masama doon? We were originally betrothed to each other. Nagkamali lang ang ina mo ng isang beses kaya nabuo ka."

"Hindi ka mahal ni mama."

Gumalaw ang ugat nito sa leeg sa narinig. "Pero mahal ko siya at hindi rin siya mahal ng ama mo. Alam mo ba kung bakit umuwi iyang ama mo na halos wala ng dugo? He's out there chasing some Alcantaran skirts!"

"He didn't. He was kidnapped."

"He wasn't. He did it on his accord."

"No, my papa killed an Alcantara. Why would he love one when he hated their kind?"

Lumitaw ang isang munting ngiti sa gilid ng labi ni Luisito. "Sometimes I wonder if you're really his son. Kung naging akin ka lang, kompleto na sana ang buong buhay ko."

"Sorry I'm not your son. We did a paternity test. You're not my father, uncle."

"I know but I will be your father someday."

Noong una ay naguluhan siya sa ibig-sabihin ng sinabi nito pero naintindihan niya rin kalaunan dahil sa mga sumunod na pangyayari.

"Isang bagay lang ang sinang-ayunan ko sa mga desisyon ng hangal mong ama. Iyon ay ang pagpapakadalubhasa mo sa Amerika."

"Spain is not in America. It's in Europe," he muttered brusquely before storming out of the room.

Nagpunta siya sa silid ng ama na kakatapos lang sermunan ng abuelo. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at magkadaop ang mga kamay na may bakas pa ng hindi natutuyong dugo.

Pagkakita sa kaniya ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi nito.

"Langdon, my son, my only pride. Come here."

"Yes, pa."

Niyakap siya ng ama at hinalikan sa ulo. "Are you settling good in the States?"

Tumango siya kahit ang totoo ay naninibago siya sa kung paano pakikitunguhan ang tiyuhing si Spencer na kulang na lang ay gawin siyang barkada sa asta nito.

"I'm good. I'll be back in the US on Friday."

"Good. Good." Pinakatitigan siya nito nang maayos saka ngumiti na parang wala sa sarili.

"Papa, you don't look good," ani niya nang mapansin ang dugong tumagas sa ilong nito.

"What? But I feel good, Langdon." Pinahid nito ang ilong ng tissue saka hinawakan nito ang magkabilang-braso niya. "Don't be like me, my son. 'Wag kang maging marupok sa pag-ibig at higit sa lahat, 'wag kang magmamahal ng isang Alcantara."

Nakaramdam siya ng kakaiba pero hindi na lang niya iyon isinatinig.

"Why are you telling me this?"

"I'll be gone for a while, my boy. Magbabakasyon ako sa malayo. I'd go to the Arctic Ocean to find an exotic animal to add to my collection. It'll be months before I can talk to you again."

He stared at his father who exhibited the same drastic routines his cousin had. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito dahil iyon din ang kaparehong sinabi nito sa kaniya noong bago siya nagpunta sa Amerika.

He held his chin and smiled. "Make me proud, my boy. I know it's not right to ask this but live for my dreams, my son. Be the next leader of my clan. Do what your disappointing father has failed to do. Can you do that?"

"I am trying everyday, papa."

"Good, good. Now give your papa your tightest hug."

Sumunod siya rito. That was the first regret Langdon had in his entire life. If he knew, he should have at least hugged him like he told him to. He should have never let go after.

Kinabukasan ay magpapaalam sana siya sa ama para hiramin ang alaga nitong palaka para sa gagawin niyang experiment ngunit hindi siya handa sa sumalubong sa kaniya pagbukas niya ng pinto.

Sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa nabulabog niya ang lahat ng tao sa kabahayan.

"Lang—Ahh! Luisito!" hilakbot na sigaw ni Laura at agad siyang hinatak palayo sa pinto.

"What's happening?!" rinig pa niyang tanong ng tiyuhin bago siya sumiksik sa gilid at tinakpan ng kamay ang buong mukha.

Muling bumalik sa kaniya ang kalunus-lunos na sitwasyon ng ama. Nakalawit ang dila nito, putlang-putla, at halos pumutok ang nakadilat na mata habang nakabitin sa kisame mula sa tali sa paligid ng leeg nito.

Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na maalis sa kaniyang utak ang nakita. It will forever be there visiting him every chance it could get like a thief of the night.



 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now