36: Savior

137 7 0
                                    

Parang napunta lahat ng dugo niya sa ulo nang makita itong nakataob ang katawan sa tubig.

"Cin!"

Lumusong siya sa lawa at mabilis na hinapit ang katawan nito paahon.

He carried her into the banks and put her firmly on the ground. Maputlang-maputla na ito at mahina na ang pulso.

Tinapik niya ito sa pisngi para gisingin.

"Cin? Please wake up. Please Cin. Wake up," gumaralgal na ang boses niya sa panic.

Inihilamos niya ang basang kamay sa mukha nang mablangko sandali ang utak niya.

Suddenly, he felt like he wasn't in the scene. He felt like a helpless spectator watching the love of his life slowly take her last breaths.

Bakit ba napakamalupit ng tadhana kay Cin?

She's the woman he met that night, the girl he's with under that magical night that he vows to cherish and love but neither of that was he able to fulfill.

Palagi na lang itong nagdurusa. Nahiwalay ito sa mga magulang, ninakaw ang kabataan nito, at pinatay naman niya ito at ang anak nila.

And now, even the second chance that fate has given her isn't enough for her to be happy.

"Please, Cin. Mabuhay ka, pakiusap. Hindi pa sapat ang mga ngiti mo! Ang dami ko pang hindi naipapakita at nagagawa para sa iyo!"

Nahamig niya ang sarili kalaunan. After snapping back into reality knowing that the next minutes are very crucial, he knelt beside her and leaned his ear to her nose to hear her staggering breaths.

"No! You can't die again from me! No!"

He frantically performed CPR on her while his tears were streaming down his face.

"Cin, don't die again on me please. Mabubuhay ka pa ng matagal. You'll outlive me and all the people in Monte Vega."

Buong lakas niyang kinagat ang dila para pigilan ang mga luha para hindi maging malabo ang paningin niya.

"1, 2, 3..." he counted the compressions then gave her two rescue breaths but nothing was happening.

Hindi pa rin bumabalik ang malay at ang normal na paghinga nito.

Pumatak na ang dugo sa labi niya papunta sa katawan ni Cin.

Nakatingin na siya sa taas para magmakaawa nang hindi pa rin humihinga si Cin.

"Please, let her live. Take my life instead. Please, please."

He didn't give up. Kahit kailan ay hindi niya ito susukuan kahit na anong mangyari! He'll be there exactly by her side even if the sky falls to them.

"Stop being unfair to her already! Please, let her live!"

Inilapat uli niya ang labi sa bibig nito para bigyan ito ng hangin. Kahit na ilang oras siyang nakaluhod dito ay gagawin niya.

"Where is that damn ambulance?!" nanginginig na sigaw niya nang hindi pa rin dumating ang rescue.

Sige pa rin siya sa pag-pump sa dibdib nito at pagbibilang para siguraduhing tama ang interval.

"Cin..."

Tagaktak na ang pawis niya dahil sa takot pero wala pa ring nangyayari.

"Cin naman. Open your eyes for me. Come on. Come on, my love."

And then, in a swipe of miracle, her hand moved to wipe away the tears off his face.

Doon na niya pinakawalan ang tinitimping emosyon. Sa tabi nito ay isinubsob niya ang mukha sa lupa at umiyak.

Humahagulgol na niyakap niya ito nang makahuma pagkalipas ng ilang sandali at nakahinga nang napakaluwag nang bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso nito.

"God is real," he said. "God is real," he continued and gripped her tighter into his body.

I saved you this time, Cin.

LUMAGAPAK ang malakas na sampal na pinakawalan ni Lucy sa mukha ni Nathan.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Kahit kailan ay hindi ko ipinamahak si Cin!" sigaw niya matapos siyang sugurin ni Nathan sa pinagkakanlungang mansiyon sa Sta. Barbara.

Tumiim ang bagang ni Nathan at sinugod ang pinsan saka mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat. "You did! Kailan mo pa bininilog ang ulo ko ha?! Kaya ba pinipigilan mo akong bumalik sa Germany dahil dinala mo na dito si Cin?! Kung hindi pa dahil kay Zipporah ay hindi ko malalaman na sinasaksak mo na ako sa likod ko! I told you to not meddle in my affairs but what did you do?! Ngayon ay ikaw mismo ang nagpahamak ng sariling buhay ni Cin!"

Lumayo ito nang kaunti sa kaniya at inubos  ang alak sa baso at hindi napigilang itapon ito sa sahig.

"I'm giving her back the choice, Nathan! Sa sobrang pagkalulong mo diyan sa paghihiganti mo, hindi mo na nakikitang nasasaktan mo na mismo ang kapatid mo! Ikaw mismo ang nagdala sa kaniya sa kapahamakan!"

"Dahil ba sa nangyari sa iyo noon kaya mo ito ginagawa? Gumaganti ka ba ha Lucindra?!"

Lucindra tightened the robe around her body that she usually wears to hide the marks of her sins.

"How dare you say that?!" sigaw niya sa mukha nito gamit ang nanginginig na boses. "How dare you recall my greatest pain again?! I was used like a weapon by the family, Nathan. It sucks so I can't let Cin go through the same thing again! Gusto ko siyang bigyan ng choice! Bigyan ng kalayaan kung ano man ang magiging desisyon niya sa buhay! I was treated more like a machine than a human being! Hindi ko iyon kayang makitang muling mangyari sa harap ko at sa pinsan ko pa!" saan nito sa ubos na ubos na tinig at ang mga luha ay nagbabadya na rin sa pagbuhos.

Nathan swallowed the acid in his throat and looked away when he saw how hurt Lucy is.

Dalawang beses niya lang itong nakitang umiyak at iyon 'yung gabi na namatay si Casindra at Alcindra.

"Pero bakit sa kalaban pa, Lucy?! Bakit sa putangina pang lalaki na iyon na siya pang mismong pumatay sa kapatid ko?! Bakit mo siya ibinalik sa impiyerno?!"

Nagbago ang kanina ay nasasaktang mukha nito. Naging guilty bigla. "You know that Langdon is not naturally evil, Nathan. Naging ganoon lang siya dahil din sa mga ginawa natin! Why are we always blaming him for everything? Blame the ones who have made him that way! Bring into justice the persons who made Langdon into a monster that you claim him to be!"

Parang nalulon ang dila na nag-iwas ito ng tingin. Hawak ang ulo na itinapon niya sa paanan ang isang papel.

"That's Langdon's new house. Sunduin mo na si Cin diyan. Pauwiin mo na rin ang kung sinumang binayaran mo para magpanggap bilang si Cas. Respect our cousin's memories."

Walang kibo na pinulot nito iyon at tinungo ang pinto. Pero bago tuluyang lumabas ay nag-iwan pa ito ng isang banta.

"Ipagdasal mo na hindi niya sinaktan ni dulo ng daliri ni Cin. Kapag nalaman kong may ginawa siya sa kaniya, idadamay kita sa galit ko. Kaya ko ring pumatay ng pinsan gaya ng ginawa mong pagpatay kay Cas, Lucy."

She gasped in shock when she heard that. With a trembling body, she turned towards Nathan who's looking down at her ashen face.

"H-How... How did you know?"

Instead of answering, he left her in a state of fear and shame.

Bumigay ang kaniyang mga tuhod at kinakapos sa hangin na bumagsak siya sa sahig.

Punishment has finally come in her karmic cycle.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now