Chapter 7: His Kryptonite

193 10 1
                                    

"Noel," he acknowledged Luca's head of security who was waiting behind the trunk of Luca's car.

Katabi nito sina Bruno at Kise na dati ay mga bodyguard niya noong tine-training pa siya ng ama niya.

Technically, Luca's guards were not under his radar and it is only the unit that is apart from his supervision for obvious reasons.

"Magandang gabi, sir. May package lang po na ipinapabigay si Sir Luca sa inyo."

Package. They referred to a human as just a package.

Gumilid ito bago binuksan ang trunk at inilabas ang isang cadaver bag at binuksan. Bumungad sa kaniya ang bugbog-saradong katawan ng walang-malay na si Martia na nakasilid sa plastic bag.

"Can she breathe?" he casually asked and put his gloved hands inside his pockets.

"Opo, sir. Buhay pa po iyan. May oxygen po sa loob," kaswal din na sagot ni Noel.

"Good."

Tinanguan niya si Rash na naghihintay sa likuran niya.

"Dalhin mo sa loob. Call a doctor and when she's okay, send her to one of my safe houses."

Hinintay muna niyang maipasok ng mga tauhan sa entrance ng office building niya bago siya nagtanong ng kalmado.

"Any message from Luca, Noel?"

"Wala po siyang sinabi. Ang instruction lang po ay ibigay sa inyo ang babae."

Tumiim ang mga bagang niya bago hinawakan ang sariling panga. So he chose to do this. What an unscrupulous attack coming from him.

"Okay, I got it. I properly received his message." Pinasadahan niya ng tingin ang magarang kotse sa harap. "Is this his car?"

Walang sumagot sa mga ito kaya binunot niya ang baril at pinaputukan ang apat na gulong ng kotse.

"Sir Langdon!" Akmang lalapitan siya ni Kise pero inilingan ito ni Bruno para pigilan.

Langdon smiled while watching the busted wheels. Hindi pa siya nakontento at binaril pa ang windshield bago tinanguan ang tatlong lalake.

"I hope your boss will also receive my message."

Pinaikot niya sa kamay ang baril at sumakay uli sa sasakyan at pinaharurot ito palayo. Beating Martia is not just a threat. Luca wants him to see it for himself. Gusto nitong ipamukha sa kaniya na alam nito kung ano ang mga ginagawa niya.

He hired Martia to do a specific thing but Luca intercepted her right away. Pinukpok niya ang manibela sa magkahalong inis at frustration.

He needs to go to Cerro Roca. Hindi pwedeng makuha ni Luca ang lahat ng ebidensya. Mabubuko ng wala sa oras ang plano niya.

Kumambyo siya at dinoble ang speed pero kinailangan niya ring huminto makalipas ang bente minutos nang marinig ang palitan ng putok sa border ng Monte Vega.

May tatlong kotse na nakaharang sa tulay at pinapuputukan ang dalawang van.

Pinalitan niya ang magasin ng baril at alertong bumaba dala ang refractor telescope. Kilala niya ang isang grupo. Paano niya sila hindi makikilala kung siya mismo ang personal na nagsagawa ng training ng mga ito.

The thought that he didn't even know that this unit had an operation angered him more. How could they leave him in the dark? He's the security head.

But of course, Luca is still the default leader.

"God Luca. You've really come a long way. You've become more unpredictable."

Ipinaling niya sa kabilang direksiyon ang device at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang babaeng nakatago sa nakabukas na pintuan ng puting van at walang habas na nagpapaputok sa kabila.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon