25: Crazy Little Obsession Called Love

148 7 0
                                    

"Lang? Lang! Gising! You're having a nightmare."

Naririnig niya ang boses ni Cin sa malayo pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi siya makagalaw. Ni hindi niya maimulat ang mga mata niya.

"Lang!"

He heard her crying while frantically calling for his name. He wants to wake up in a second to ask her what's wrong and to soothe her but his body feels  heavy, an invisible hand is pulling him down into the bottom of the sea.

Cin...

"Langdon!"

Nakaramdam siya ng kaunting sakit sa katawan bago tuluyang bumukas ang mata niya habang naghahabol ng hininga.

"Lang!"

Umiiyak na sinugod siya nito nang yakap nang makaupo siya sa kama, tagaktak ang pawis niya at parang puputok ang ulo sa samu't saring emosyon.

Wala sa loob na hinapit niya ito palapit at sa nanginginig na kamay ay hinagod ang ulo nito.

Hinihingal pa rin na hinawakan niya ang mukha nito para titigan. His emotions are about to burst again while staring at her fearful eyes filled with tears.

Darting his finger against her lips, he didn't hold himself back this time. Ilang araw nang gusto niya itong gawin pero nagpigil siya. Taking advantage of her situation is the least in his mind.

But he wanted to be saved too and Cin is his saving grace, the only one who can set his mind right now.

Dahan-dahang niyang ibinaba ang mukha at buong ingat na inilapat ang labi rito.

The kiss is just a smack like a calm whisper of the wind on a summer night but it's already enough to calm his senses. Cin jolted a little but didn't push him away.

Nipping a bit, his hand went to the back of her neck before he fell back and pulled her back for an embrace.

"Kanina ka pa umuungol. Naririnig kita sa labas kaya pumasok na ako," humihikbing paliwanag nito.

Napakahigpit ng hawak nito sa leeg niya na para bang mapipigtas siya palayo dito. "You're having those bad dreams again. Since I came here, palagi na lang kitang naririnig na nahihirapan tuwing gabi."

Kumalas ito sa yakap at itinuro ang braso niya. "I'm sorry for biting your arm. It's the only thing that entered my mind. I'm sorry, Lang."

Pumikit ito kasabay nang pag-uunahan sa pag-alpas ng mga luha nito sa mata.

He glanced at the deep teeth mark on his arm and chuckled. "It's nothing.

Hindi niya napansin na nahubad na pala ang gloves niya at ngayon ay mahigpit na hawak ni Cin ang kamay niya.

Napunta ang mata nito sa magkahugpong nilang mga kamay at nagtatakang nagtanong.

"Bakit?"

"Hindi ka ba natatakot sa nakikita mo? My hands look ugly. They're... They're incomplete."

Itinaas nito ang kanilang kamay at umiling.

"No, they're not ugly. They're beautiful because it's your hand. I don't care if you're missing some fingers and I wouldn't ask how and why because it's insensitive for me to do that. You're still you Lang with or without this. I... I still like you."

Huli na para bawiin nito ang sinabi. Namumula ang mukhang nag-iwas ito ng tingin. Hinila nito ang kamay sa loob ng hawak niya pero hindi niya ito hinayaan.

He caressed her face using his other hand.

Will you still be able to say this to me once you learn that these are the same hands who killed you and our baby?

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now