Chapter 17: The Lamb

357 14 10
                                    

Monte Vega

Alcantaran Cemetery

"Bilisan niyo ang kilos! Andrew! Magdagdag pa ng isang backhoe! Kailangang may makita na tayo bago mainip si Sir Luca," singhal ni Carlos sa mga tauhan na puspusan ang ginagawang paghuhukay sa libingan ni Alcindra.

Gabi na at kanina pa naiinip sa loob ng kotse nito ang amo kahihintay sa resulta nang pinapagawa nito.

"Areglado boss! Bilisan niyo para may bonus tayo agad!"

Makalipas pa ang ilang oras na paghuhukay ay may sumigaw.

Tumakbo si Carlos sa hukay. "O? Ano iyan?! Meron na? Meron na?"

"Sir, tubig na po ang nahukay namin. Negative. Walang kabaong!"

Naiiling na tumalikod si Carlos. Kinatok nito ang bintana ng kotse ni Luca kaya nahinto ang paghahalikan nito at ng nakakandong na si Suzette. Binaba ni Luca ang bintana ng kotse at hindi na nag-abala pang takpan ang nakabuyangyang na suso ni Suzette.

"Sir, wala pong kabaong sa hukay
Tubig na po ang nahukay ng mga tauhan," panimula niya habang pilit iniiwas ang mata sa dibdib ng babae.

Sumandal si Luca saka inilagay ang kamay sa gilid ng ulo. "Did you say water? Fucking Nathan! That guy is hella good with his job!" tatawa-tawang komento nito.

"Anyway, dig deeper. Walang aalis sa gabing ito nang hindi nakukuha ang kabaong ng kung sinumang nakalibing dito."

Itinaas na nito pabalik ang bintana kaya wala nang nagawa si Carlos kundi utusan ang mga trabahanteng ipagpatuloy ang trabaho.

"Hala, balik sa trabaho kesehodang may lumangoy pa diyang pating o buwaya!"

Lumalim na ang gabi ngunit wala pa rin silang nakitang kabaong. Lagpas na bewang ang tubig kaya kailangan pa nilang i-drain palabas. Tumulong na rin si Carlos para mapadali ang trabaho.

Magmamadaling-araw na ng may mamataan silang kakaiba.

Kumatok uli sa bintana ni Luca ang humihingal na pagod na si Carlos.

"Did you find it?" bungad agad ni Luca na busy sa harap ng laptop.

Si Suzette ay nakatulog na sa tabi nito.

"Oo, sir. May nakuha po kaming kabaong kaso ang liit. Pangbata. Mukhang hindi naman kakasya ang sinasabi niyong babae sir."

Sa narinig ay nagmamadaling lumabas si Luca.

"Bring the coffin to me."

"Dalhin dito ang kabaong!" sigaw nito bago nagtanong sa amo. "Sir, paano niyo po nalamang may kabaong talaga dito? Malay po ninyo at baka pinapaikot lang po kayo ng mga Alcantara. Pwede naman kasing inilibing nila sa ibang sementeryo. At bakit niyo naman po gustong makita ang bangkay niya? Hindi pa po iyon masyadong nabubulok, sir. Dalawang taon pa lang po iy—"

Natahimik si Carlos nang huminga nang malalim si Luca.

"Sorry po, sir. Ang kabaong! Bilisan niyo!"

Pinagtulungang kargahin ng dalawang tao ang may kaliitang kabaong. Ibinaba nila ito sa lupa at humihingal na naghintay ng utos.

"Open it. Slowly."

Lumuhod ang isang lalake at sinubukang iangat ang takip pero hindi iyon gumalaw pabukas.

"Sir, hindi po nabubuksan." Ininspeksyon nito iyon. "Nakasarado ito sa loob sir. Nakakandado sir.

Napailing si Luca. "Get a hammer. Pound it carefully. We don't know what's inside. Crazy Nathan might have put a bomb."

Nag-atrasan ang lahat sa narinig. Natawa naman si Luca.

"Why? Afraid to die? Don't worry. Bomb death is a quick one." Bumaling ito kay Carlos. "Do it."

Tumatagaktak ang pawis na sinimulang pukpukin ni Carlos ang kabaong. Nang hindi umubra ay nagpakuha na sila ng electric driller.

Sa wakas ay natanggal ang kandado. Nagbunyi ang lahat at pigil ang hiningang nakamata kung ano ba talaga ang laman ng kabaong.

"Open it," ani Luca na malalim ang iniisip.

Dahan-dahang binuksan ni Carlos ang takip saka mabilis na lumayo.

"May tumutunog po, sir. May tumutunog po! Baka may bomba sa loob!"

"Shut up!" angil nito at sinipa pabukas ang kabaong.

Umalisangaw ang amoy ng nabubulok na laman. Nagtakip ng ilong ang lahat. Iniabot ng tauhan ni Luca ang face mask dito.

Tinitigan nito ang hindi na maitsurang bangkay. Tama si Carlos. Hindi kasya dito ang isang tao kahit ang maliit na bata.

Naningkit ang mga mata ni Luca at tinitigan ang hayop sa loob ng kabaong.

"A lamb?" tanong nito sa mahinang tinig.

"That's a sacrificial lamb," turan ni Suzette na hindi niya namalayang nasa tabi na nito. "I've heard stories from my grandpa about this kind of belief from Alcantarans. Sabi niya, ginagawa nila ito kapag may namatay na isa sa kanila na gusto nilang bigyan ng hustisya. It signifies revenge. They get all the blood from the lamb and they store it somewhere else. Sabi ng lolo ko ay nilalagyan nila ng dugo ng tupa ang mga bala nila o kung anuman ang gagamitin nila sa pagpatay. If I were you, I'll put it back. Sagrado sa kanila iyan. It's a bad omen to dig it up. Bad omen," babala nito.

Kinilabutan si Carlos sa narinig. Si Luca naman ay hindi maiwasang humalakhak.

"What in the fuckin prehistoric era is that thinking?" Tinapik nito ang ulo ng babae. "You are scared. I swear I saw you tremble! Oh my Suzette. I can't believe this!"

"It's a ritual. You might not believe it but they do. There's power in faith, Luca."

Lumapit ito sa kabaong at gamit ang maliit na sanga ng kahoy ay may sinungkit na itim na kwadradong metal mula sa laman. Itinapat nito iyon sa ilaw ng cellphone.

Tumunog iyon kasabay ang pagkislap ng kulay pula na timer.

Nanlaki ang mga mata ni Carlos. "Yan yung tumutunog kanina!"

"It's a bomb! Everyone! Run! Evacuate now!" sigaw ni Suzette. "Luca, what are you doing?! Throw that away!"

"No, it's not a bomb."

"What?!"

"Yeah."

Inihiga niya ang bagay sa lupa.

"It's a message. Too slow," basa niya at napangisi na lang.

"You know what got me more into thinking, Suz? I was there during the shooting. I saw her die. Alcantarans are prideful individuals. Tradisiyon na nila ang ilibing dito ang mga kamag-anakan nila. They hardly break their traditions. Isa pa, nandoon nga ako. I definitely saw her die. I've also kept track of his movement during that time. Wala siyang dalang palabas ng Monte Vega kaya alam kong inilibing niya rito ang kapatid niya. But there's no body."

What were you up to, Alcantara? It can't be. Unti-unting nabuo ang isang hinala sa utak ni Luca.

Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakayuko sa lupa at tumingin kay Noel.

"I need to know where Nathan Alcantara is! Find him and make sure he's dead! Now!"

"Yes, sir!"

Habang nakatitig sa ibinababang kabaong ay nagbalik ang isang alaala ng kahapon ni Luca sa dating kaibigan.

"Just what kind of sick games are you playing this time, Tryst?" bulong nito.




 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt