24: Lurking Danger

143 8 0
                                    

Melancholic melodies filled the entire room the moment he opened the front door. It was a tiring day going from Monte Vega, Japan, and then back to Cerro Roca for a business meeting but that evaporated at the thought that he would come home knowing Cin would be there waiting for him.

Iniwan niya ang maleta sa sahig at kinakalag ang necktie na nakangiting sinundan niya ang tunog ng musika na nakabibighani. With each step, the music got clearer and more tender to his hearing until he found himself leaning on the doorframe watching Alcindra in awe playing a violin in the middle of the stock room.

Buhos na buhos ang atensiyon nito kaya hindi nito namalayan ang pagdating niya. Tumatagaktak na ang pawis mula sa noo nito pero hindi nito iyon inalintana. She continued expertly strumming the bow against the strings completely clueless about his presence.

If he'd not known her, he would think she is a professional wielding the violin in a concert hall. It doesn't look like she's just a regular musician. Natural na natural ang bawat tapik at yugyog nito sa instrumento.

Tinapos na nito ang pagtugtog at yumuko sa imaginary audience nito. Clapping, he walked up to her smiling from ear to ear. Doon pa siya nito napansin. Umawang ang bibig nito sa tuwa.

Kumislap ang mga mata nito at sinugod siya ng yakap. "Lang!"

"Excellent! Wow! I thought I'm watching a professional violinist," he praised her. "What's the title of the piece?"

"I don't know. Maybe a muscle memory. Pasensiya ka na ha at nakialam ako sa mga gamit mo. Naglilinis kasi ako ng bahay tapos nakita kong kay sirang violin. May napigtas na isang string kaya inayos ko. Sayang naman kasi."

Pinahid niya ang pawis nito at inakbayan papunta sa sala.

"I brought something for you."

Naupo sila sa sahig. Kinuha niya ang maleta habang para itong batang nagniningning ang matang naghihintay sa pasalubong nito.

Inilabas niya ang isang stuffed toy ng llama at ibinigay rito. Nanlaki ang mga mata nito sa tuwa at agad na niyakap ang regalo niya.

"How... How did you know I love llamas?"

Kinindatan niya ito. "I'm good at guessing."

"Thank you, Lang!"

Ginulo niya ang buhok nito. "You're wel-"

Nabitin ang sasabihin niya sa ere nang makaamoy siya ng panganib. The motion sensors around his house send a signal to his earpiece about the approaching cars in the village.

Sumigid ang takot niya nang masalubong ang inosenteng mga mata ni Cin.

"Cin, go inside my room and never come out until I come at you, you understand? I have an unwelcome visitor."

Nakakaunawang tumango ito nang marinig ang lamig ng boses niya. Bago pumasok ay nilingon pa siya nito.

"Mag-iingat ka Lang please."

"Of course, I will."

Hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa iyo.

Sinigurado niya munang nakadouble-lock ang pinto bago kinuha ang baril at lumabas para hintayin ang pinsan sa labas ng gate.

Nagsindi siya ng sigarilyo at binuksan ang dalawang butones ng polo. He sat on the curb in time to greet Luca who just gotten out of his McLaren. Kasunod nito ang mga tauhan na may dalang mga de-kalibreng baril.

"Langdon! Ganiyan ka na ba kaatat na makita ako at naghintay ka pa talaga dito sa labas? Come on, man. Let's go inside. I'm thirsty."

Inabot nito ang pinto ng gate para buksan pero bago pa nito iyon magawa ay sinipa na niya na pabalik ang gate at hinarangan ito.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now