33: Kidnapped

144 8 0
                                    

Langdon woke up on the road beside his car with no Cin by his side. Agad na tumayo siya at malat ang boses na sumigaw nang magbalik ang alaala ng mga nangyari kanina.

"Cin! Alcindra!"

He ran around, circled around the park to look for any mark that the abductors left but he found nothing.

They're professional. Likely Luca's elite men.

"Where are you, Cin?" he whispered through the mist of the just-concluded rain, desperate to have an answer.

Kanina pa pumipintig ang ulo niya sa magkahalong takot at galit dahil sa kawalan niya ng depensa kanina kaya nasalisihan siya.

"Tangina!" sigaw niya saka sinuntok ang bakal na bench.

Tumulo ang dugo palabas sa gloves niya pero wala siyang maramdamang sakit. Manhid na manhid na siya sa pisikal na sakit.

Ikinuyom niya ang mga kamao bago tumakbo pabalik sa kotse. He will find Cin. Kung kailangang halughugin niya ang buong bansa o kahit ang buong mundo ay gagawin niya.

Nakaya niyang hintayin ito kahit alam niyang patay na ito ngayon pa kayang alam niyang buhay ito.

Binuhay niya ang makina saka tinawagan ang mga tauhan at iba pang koneksiyon sa pulisya at gobyerno para humingi ng tulong nang gambalain siya ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.

He'll bet all his horses that it's the kidnapper.

"Asturia," wika ng lalaki sa kabilang linya.

Furious, he gritted his teeth and stopped the car on the road. Baka maaksidente siya ng dis-oras dahil sa init ng ulo at bigat ng dibdib.

"Where's Cin?! Touch even a strand of her hair and I'll burn you alive! I'll fucking tear down this whole town and kill you myself!"

Tumawa lang ito. "Relax, Asturia. May tamang oras para diyan. Sa ngayon ay kailangan mong gawin ang gusto namin."

"I'll never bargain with someone I don't know. Give her back to me because I'm hunting you down!"

Natawa ito. "Huli ka na kung gagawin mo iyan. Baka ulo na lang niya ang maabutan mo. Ipapakain ko sa mga aso ko ang buong katawan niya kapag hindi ka sumunod sa sinabi ko."

He sucked in the air sharply and exhaled it loudly. Dumudugo na naman ang mga kamay niya sa labis na galit.

"What's the guarantee that you'll give her back to me alive?"

Pumalatak ito. "Wala ka sa posisyon na humingi niyan. Iba ako, Langdon. Iba ang pamilya ko. May isang salita kami. Siya nga pala. May nakalimutan akong sabihin. Hawak din namin ang pinakamamahal mong si Casindra."

Sa narinig ay mas nanlisik ang mata niya at humigpit ang hawak niya sa cellphone.

He has no choice.

"Give me proof that they're still alive," pagsuko niya.

Mayamaya pa ay pinadalhan siya nito ng isang video. Parehong natutulog ang dalawa habang nakatali sa kama.

He zoomed in the photo to see Cin clearly to look for any wound but he found none to his relief.

"What do you want me to do?"

"Gusto kong pasabugin mo ang mga mansiyon sa Los Ojos. Kung magagawa mo iyan, ibabalik ko ng buo sa iyo ang minamahal mo."

Saglit siyang natulala saka mahinang hinampas ang manibela bago tumango na parang nakikita niya ang kausap.

"I'll do it. When will I do it?"

Matagal na niyang alam na kaya niyang gawin ang lahat para kay Cin. Magmula noong nawala ito sa kaniya dalawang taon na ang nakararaan, alam na niya sa sarili ang kaya niyang gawin para dito. He'll do everything for Cin even betraying his own clan.

"Wala kaming galit sa mga Alcantara pero papatayin namin ang dalawang ito kung hindi mo gagawin ang napagkasunduan natin."

Nagbaba siya ng tingin sa nakakuyom na kamay. "I understand."

NAKAHARAP siya ngayon sa higanteng mga mansiyon sa Los Ojos. Ang bigat.ng laman ng bulsa niya sa puntong halos hindi na niya maihakbang ang sariling mga paa.

Nakapasok siya nang walang kahirap-kahirap at kaagad itinanim ang bomba sa mga mansiyon. Kanina pa rin niya na-disable ang security alarm

Sa ilang taong pagigihing head niya sa security system ng pamilya ay alam na niya kung saan-saan ang kahinaan ng buong lugar pagdating sa security.

Hindi niya lang nahulaan na sa ganito niya magagamit ang kaalaman.

"I'm sorry, mom. I'm sorry, Cahil. I have to disappoint you again."

Iyon lang ang tanging namutawi sa bibig niya bago pinindot ang detonator.

Sumabog ang mga mansiyon sa harap niya at kaagad na nag-apoy ang buong paligid pero hindi iyon sapat para yanigin siya.

Nagkagulo ang buong lugar sa biglaang pag-atake ng akala nila ay mga Alcantara.

Habang nakatitig sa nagsasayawang apoy ay naalala niya ang pangako sa ama.

"I'm sorry dad but I won't be able to fulfill your dreams anymore."

I'll never be our clan's leader again.

Truly, the betrayal will likely come from your own backyard.

Tinawagan niya ang kausap kanina matapos gawin ang iniutos nito.

"I already did what you wanted."

Humalakhak ang nasa kabilang linya.

"Nang ganoon kabilis? Grabe ka, Asturia! Pinahanga mo ako! Halimaw ka talaga. Pinatunayan mo lang talaga ang haka-haka ng lahat tungkol sa iyo. Kaya mong ipagpalit ang lahat kahit ang angkan mo at pamilya para sa babaeng mahal mo."

Sinubukan niyang ignorahin ang sinabi nito pero alam niya sa sarili na may katotohanan ang mga sinasabi nito.

He's someone who can easily betray his loved ones in the name of love despite it being forgotten.

"Where are Cin and Cas? Give me proof they're alive."

"Wag kang mag-alala. Buhay sila. Halika na at kunin mo na sila. Kinompirma ng source ko na nasusunog na raw talaga ang Los Ojos. Sa wakas! Nag-aapoy na ang mata! Good job, blood slayer."

Namatay ang tawag kasabay ang live video ng dalawa. Iba na ang background, iyong kilalang-kilala niya.

Ilang beses siyang kumurap sa pagbabakasakaling magbago ang mga nakikita sa screen.

"Damn it!"

Tumakbo siya palabas at agad na sumakay sa kotse at pinaandar ito nang walang kasing-bilis.

Doon pumasok ang message mula sa numero kanina. Pagkabasa ay muntik na niyang itapon ang cellphone palabas.

He hoped the words would magically fly away. But they remained the same. It still says 'come home'.

Naisahan nila ako!

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon