Chapter 16: Admission

206 13 0
                                    

Binabagtas na niya ang daan patungo sa property na kaniyang susunod na iinspeksiyunin nang mamataan niya ang pamilyar na rock formation na pinagpiktyuran nila noon ni Cin.

Instead of going straight ahead, he stopped the engine and went out of the car.

With deep longing, he pictured them together in the same spot while making those faces in the camera.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa habang nakasandal sa kotse para kumuha ng larawan. He even sported that peace sign that he didn't find silly anymore.

Naglakad-lakad muna siya sa paligid bago nagpasyang magpatuloy sa biyahe. He sighed when he remembered where he's going.

He's going to a nostalgic place for the first time since Cin was gone. Pupunta siya sa border ng Monte Vega sa gawing silangan para i-assess ang security ng lugar para sa pagtatayuan ng pinakamalaking casino sa buong Pilipinas.

Ito rin mismo ang gubat kung saan niya ipinasyal si Cin noon.

He wasn't supposed to bring her there. Plano lang niya ay simpleng road trip lang pero nang makita niya kung gaano ito kasaya nang banggitin nito na gusto nitong puntahan ang Monte Vega ay nagbago ang isip niya.

Only when he learned that she is an Alcantaran did that make sense. Siyempre ay namimiss nito ang lugar na kinalakhan.

Langdon parked outside the mountain trail and sighed hard. Hindi niya halos maihakbang ang paa habang nakatingala sa matarik na daanan.

"Oh Cin," he murmured to himself and began the arduous ascent.

Imbis na magtrabaho kaagad ay ginugol niya ang mga oras sa pagtitig sa mga lugar kung saan sila naglaging dalawa. Binalikan niya ang mga naging usapan nila, kung gaano ito kasaya nang malamang nakabalik na ito sa lupain ng Monte Vega.

He spent the night in the forest under the stars. Humiga siya sa kaparehong spot kung saan naglatag silang dalawa ni Cin.

"I finally read about Orion. You're right about the story, it's quite depressing because he wasn't loved by his beloved," pagkausap niya sa mga bituin sa langit. "And just like Orion, I know you'd become the brightest star up there, Cin."

Kinabukasan ay naglakad-lakad muna siya sa gubat bago umuwi nang naalala niya na may kung anong ginawa si Cin sa loob bago sila umalis. He slowly inspected the area to look for something when he came face to face with the biggest molave in the entire forest.

Umihip ang malakas na hangin at natangay ang mga dahon pababa sa kung saan may mga natuklap na balat nito. Nakuha niyon ang pansin niya.

Lumuhod siya at binasa ang nakasulat sa katawan ng puno.

"Cin was here."

Dagli ang pagbilis ng tibok ng puso niya kasabay niyon ang sakit ng pagsisisi at pangungulila.

He's right. Coming here would open more wounds.

Hinaplos niya ang mga letrang inukit sa puno saka kinuhanan ng larawan. Rumagasa ang pamilyar na pakiramdam ng pangungulila. He has always felt it whenever something or someone reminded her of Cin.

"God, this is not just guilt," wika niya sa sarili habang tinitigan ang sulat nito. "It's already love," pag-amin niya sa sarili.

Matagal na niyang nararamdaman ang ganitong pakiramdam pero sinasabi niya lang na guilt ito. Or maybe it's his conscience knocking on him.

How can he fall in love with someone he just killed? How can he have the gall to admit that it's love when he did nothing but hurt her when she's alive?

But now, he's ready to accept this feeling.

But to what purpose is this feeling when she is no longer around?

Ibinalik niya uli ang tingin sa puno nang may mapansin siya sa paanan nito na maliit na kulay pulang watawat. Kinuha niya iyon at natigilan.

May mga bakas ang lupa na hinukay ito. Gamit ang Swiss knife ay hinukay niya ang paligid. Tama nga siya nang bumungad sa kaniya ang isang wasak na chest gold. May nakausli pang parang laylayan ng nguso ng isang costume sa bunganga nito.

He's about to pull it when a bullet swung right past his head. In a snap, he rolled against the lushes as his senses heightened to spot enemies nearby.

Alerto ang buong kamalayan na sinipat niya ang pinanggalingan ng bala. Hindi na umulit ang mga ito sa pagpapaputok. Maybe it's just a warning. No, there is an intent to kill. Kung wala ay dapat sa puno lang ito pinatama.

With precision, he shoot on the opposite direction. Agad na nagpaulan ng bala ang mga hindi nakikitang kalaban kasunod ang pag-ingay ng mga makina nito.

That sent Langdon into a retreat. Hindi siya hangal para mahulog sa bitag ng kung sinumang kalaban na nagpulasan palabas sakay ang mga motorsiklo nito.

Matulin siyang tumakbo habang iniiwasan ang mga bala. Paminsan-minsan lang siya gumanti ng putok dahil kailangan niyang tipirin ang balang unti-unti nang nauubos.

Umakyat siya sa isang puno at nang makatiyempo ay umigpaw pababa diretso sa likod ng lalaki. Sinaksak niya ang leeg nito at itinulak paalis sa motor.

Gamit ang nanakaw na motor ay mas madali siyang nakalabas sa gubat. Dinukot niya sa bulsa ang dalang bomba nang makitang malapit na siya sa kinapaparadahang kotse.

Kasabay nang pagtalon niya mula sa motor ay ang pagtapon niya sa granada sa mga humahabol sa kaniya.

Sadsad ang gilid ng mukha at braso na bumangon siya at agad na pinaandar palayo ang kotse.

Some were still able to survive the explosion and were now on his tail again.

Napangisi siya. "Langya ka Luca at gusto mo pang dalawahin ang record mo."

Binuksan niya ang pinto at nagpaputok saka nagtapon uli ng bomba. Nang hindi umubra ay ginawa niya ang huling naisip.

"Pasensiya ka Luca at wala akong balak na paglamayan ngayong araw."

He pushed a button and tear gasses rained on the road. Doon na siya umarangkada ng takbo.

"Just covering my bases!"

Sa unahan pagkatapos mailigaw ang mga humahabol ay may bigla na lang na tumawid sa kalsada.

"Damn it!" he hollered upon the surprise.

That woman came just out of nowhere mabuti na lang at mabilis niyang naiiwas ang kotse sa gilid at nakahinto kaagad. Mainit ang ulong sinipa niya ang pinto pabukas at binalabag ito pasarado.

"What the hell are you thinking? Why did you sud—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mangiyak-ngiyak na nag-angat ng mukha ang kaniyang biktima.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now