22: The Frog

133 6 0
                                    

"What's my favorite collection?" Langdon asked Cin, grinning.

He bet Cin wouldn't know the answer so he's confident that he would win this round.

Kanina pa sila naglalaro ng guessing game sa garden at halos mapuno na rin ng uling ang buong mukha niya dahil halos alam nito lahat ang tungkol sa kaniya.

"Easy. It's your horse."

Napanganga na lang si Langdon. Kahit iyon ay alam nito?! How come?!

"How did you know that?! 'Wag mong sabihing nabasa mo rin iyan sa Internet? Ganoon na ba nila ako kakilala? Teka, teka," iniharang niya ang kamay sa mukha nang walang pakundangang iniumang nito ang kahoy ng uling.  "Ang taba naman ng uling na 'yan."

Humahagikhik na pinahid nito ang uling sa buong ilong niya sa kabila ng mga protesta niya saka hawak ang tiyan na bumira ng halakhak.

"You, you look like the evil version of Rudolph." Maluha-luhang itinuro siya nito saka tatapikin ang tiyan sa sobrang kaaliwan.

"Ngayon lang kita nakitang ganiyan kasaya a. If only I knew this would make you happy, I should have tattooed all the charcoal in my body."

"Now, it's my turn. What's my favorite food?" nagniningning ang mata na tanong nito, handa na naman ang uling na ipahid sa mukha niya.

Napasuntok siya sa ere. That's it! Makakaganti na rin siya dito. "Paella," confident na sagot niya saka inagaw ang uling sa kamay nito at humahalakhak na ginuhitan ng mga ngipin ang pisngi nito.

"What?! How'd you know that? Sila kuya lang at mga pinsan ko ang nakakaalam niyan."

Nagkibit-balikat siya. "Wild guess."

"Wild guess? You seemed so sure," duda nito.

"How about you? You seemed so sure with your answers earlier about me."

Naging mailap ang mga mata nito at kinagat ang ibabang labi sabay tayo at may itinuro.

"Lang, look! May palaka! 'Di ba may alaga kang palaka noon?"

Tumayo ito at hinabol ang malaking palaka na patalon-talon sa mga namumukadkad na magic flowers.

"Ikaw, dinidistract mo na naman ako. Isang beses pa lang akong nakaganti sa iyo tap-"

Natigilan siya nang may napagtanto.

How did she even know that? Mga pinsan lang din niya ang nakakaalam nun.

"Did you know she loved you since she was in her teens? Mula noon hanggang sa segundong pinatay mo siya, ikaw lang ang tanging lalaking minahal niya kahit hindi ka naman karapat-dapat!"

He heaved a sigh. Sergio has been courting Tatiana ever since they were nine. Siguro ay sa pinsan niya nalaman nito iyon.

"Lang! Look!"

Parang batang excited na bumalik ito sa tabi niya para ipagmayabang ang nahuli nitong palaka.

She sat next to him and carefully put the frog on her white dress not minding the dirt that seeped right into it.

Tumingin ito sa kaniya at matamis na ngumiti saka agad ding ibinalik ang mata sa palaka.

"Let's give it a name," she mumbled while caressing the frog's skin.

Wala sa loob na hinawi niya ang naligaw na buhok sa mata nito at inipit sa tenga. Buong ingat niya ring hinaplos ang pisngi nito para alisin ang dumi ng uling.

Cin smiled at him again and scooped the frog and put it on his shirt.

"What would be its name?" she asked, her thumb caressing the skin of the frog.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now