Chapter 3: Impotence

611 19 6
                                    

Tumigil na sa pagmamanman si Nathan mula sa malayo gamit ang binoculars nang umalis ang kotse ni Langdon sa sementeryo. Nagawa na niya ang dapat gawin para sa unang phase ng kaniyang plano kaya oras na para simulan ang pangalawa. Tinawagan niya si Lucy na agad na sumagot.

"Mukhang nalaman na nila ang tinatago natin. It's time I used the man for real. Alam mo na ang gagawin mo."

Ibinulsa niya ang cellphone saka naglakad patungo sa kabayo.

KANINA pa pinapag-init ni Yvonne ang asawa ngunit wala man lang itong reaksiyon. He's not hard and he's not responding to her even when she's on her knees working to unzip his jeans.

"Shit!"

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at ibinalik ang roba sa hubad na katawan saka nagsindi ng sigarilyo at umupo sa kama.

"Kailangan natin ng anak, Langdon! Kailangan natin ng magiging tagapagmana! Kailangan mo akong sipingan kahit ayaw mo!"

Langdon just sighed and laid on the king size bed.

"Get out, Yvonne. I didn't tell you to come here," malamig na saad niya at inilagay ang braso sa ulo bago pumikit.

"I don't want to come here but your mother asked me to check on you." Umismid ito saka nagbuga ng usok. "I could have my orgasm somewhere but I can't bear a child with another man's DNA. Mahigpit ang pamilya mo."

"I'll send the annulment papers to you as soon as possible. Hindi ko nga alam kung ano pa ang rason mo kung bakit ka pa nakakapit sa akin. Our families both got what they wanted. It's time to separate."

Nasasaktan ang matang nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "Too excited to get rid of me?" Natawa ito kalaunan. "Now I finally understand that pitiful girl. Noong una, hindi ko siya maintindihan kung bakit isinisiksik pa niya ang sarili sa iyo kahit klaro namang wala siyang puwang diyan sa puso mo pero ngayon, I think I can empathize with her."

Tumayo ito at iningudngod ang sigarilyo sa ash tray. Yvonne looked at Langdon's eyes with bitterness. "I need the papers this week or sooner. Make it fast. Sumusuko na ako sa iyo. Gusto ko nang mawala sa pangalan ko ang apelyido mo."

Isa-isang pinulot nito ang mga damit sa sahig pero bago ito umalis ay nag-iwan muna ito ng tanong sa kaniya.

"Sino ba talaga ang kasalukuyang minamahal mo sa kanilang dalawa, Langdon? Si Casindra ba o si Alcindra?"

Nabaling ang kaniyang tingin dito sa narinig.

"Why? You think the question is too odd? You think you didn't love Alcindra?" Ngumiti ito nang nakakaloko. "Oh come on, genius guy. Everyone around you can tell that you're not really moving on from Casindra anymore. It's Alcindra this time. Malas mo lang at pareho nang patay ang dalawa dahil sa iyo."

She shuts the door behind her back but Langdon is still seeing Yvonne on his front speaking the truth that he has been denying all this time.

Was he really in love with Alcindra? Wasn't it just guilt eating up on him that he is mistaken for love? What about Casindra? Has he really forgotten about his first love?

"WHAT are you thinking? Kanina ka pa walang imik." Niyakap niya ang hubad na katawan ng kasintahan at hinapit ito palapit sa kaniya.

Cas looked at him tearily.

Her lips trembled. "I'm scared."

Natigilan si Langdon. "Of what, Cas?"

"Of our families, Lang. Takot ako. Takot na takot ako sa gagawin nila kapag nalaman nila ang relasyon natin. Takot ako sa gagawin nila sa iyo, sa akin. I'm scared of everyone. Buong buhay ko ay gusto kong maging karapat-dapat sa pangalang ito pero kapag nalaman nila ang ginagawa ko, I know they will look at me with disdain again. I'm scared of disappointing my parents and my abuelos, Lang. I'm really scared."

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now