Chapter 14: Silent Delusion

187 9 0
                                    

Napabalikwas siya ng bangon nang sabay na mapanaginipan ang ama at si Cin. Nakatanghod daw ang dalawa sa kaniya na parehong walang mga mukha.

Walang ingay siyang bumangon para hindi magising si Cas na natutulog sa tabi niya. He got himself a chocolate drink, lighted a cigarette, and sat outside the garden. Malago na ang mga dinidiligang magic flowers ni Cin.

Sometimes, he finds himself doing the things she used to do in his house. Lahat ng parte ng bahay ay nagpapaalala sa kaniya rito. Nakita niya kung gaano nito kamahal ang mga bulaklak kaya siya na ang nag-aalaga sa mga ito ngayon.

"Chocolate drink? Kailan ka pa umiinom niyan, Lang?"

Nilingon niya si Cas na papalapit habang yakap ang kumot at walang suot na tsinelas. For once, he saw Cin smiling through her. Napatulala siya at hanggang sa maupo ito sa tabi niya ay hindi pa rin mawala ang nangungulilang tingin niya rito.

"This?" Inalog niya ang lalagyan. "I love drinking this."

She laughed softly. "Oh you don't! I tried giving you one before but you said you hated it!"

"I did?" he whispered and drank. "But I love this now."

"Wow! I love those flowers!" bulalas nito at itinuro ang mga namumukadkad sa ganda na halaman. "Ang gaganda! Ano ang tawag sa kanila?"

"Magic flowers."

Tumayo ito para pumitas ng isa. "Merong ganito sa gubat na palagi kong pinupuntahan noon."

"Really?" he tried to sound interested but his mind was already looking up at the night sky.

Ang daming mga bituin sa langit. Hinanap niya agad si Orion at nagsimulang iguhit gamit ang daliri.

"Lang, I also want a garden like this when we're already in Monaco. I want magic flowers too. Lots of it. Tapos gusto ko may maliit na open kubo on that part. I also want little statues here and there tapos we could have miniature fountains too."

Tumigil ito sa pagsasalita nang mapansing hindi siya nakikinig. Kumapit ito sa braso niya at lumabi.

"Hmp, you're not even listening!"

Napakurap siya. "I'm sorry. I'm just a little distracted. Ano nga iyong gusto mong ilagay?"

"Wag na," nagtatampong niyakap nito ang sarili.

He smiled and looked at the sky.

"Remember when I gave you my telescope? Nasa iyo pa ba iyon?"

"The telescope? I thought..." She was transfixed for a second before smiling broadly. "Yes, I still have it. Bakit?"

"Can you bring it the next time you see me? We'll look at the sky. Cas, have you ever read about Orion and his tragic end?"

And he went on and on until he lost the track of time.

"Wow! I didn't know you love this Orion guy so much. 'Wag kang mag-alala at dadalhin ko ang telescope mo sa susunod para naman makilala ko na ang Orion na ito."

Naghikab ito saka tinulak siya pahiga at sumiksik sa tabi niya. He hugged her and kissed her head.

"Lang?"

"Hmm?"

"I love you," she said sleepily.

Wala na naman siyang maisagot kaya tumango na lang siya. Nakatulog na si Cas sa tabi na nakayakap sa kaniya pero hindi pa rin maalis ang tingin niya sa langit.

Inaatake na naman siya ng pamilyar na pangungulila. Si Cas ang nasa tabi niya ngayon pero si Cin na ang hinahanap niya.

He missed the way she pulled the hem of his shirt, the way she called him Lang in her sweet small voice, her burnt cooking, and her enchanting smile.

He missed all of her to the bone.

Pinangko niya sa Cas pabalik sa kama saka kinumutan. Paalis na sana siya nang hawakan nito ang kamay niya para pigilan.

"Why? Do you need anything else?"

Umiling ito saka tumitig sa mata niya na parang may hinahanap doon pero nang hindi makita ay biglang lumambong ang mata nito.

"Your uncle's death. It's not your fault. Don't beat yourself to it." She tapped the space next to her. "Let's sleep now, Lang."

"I need to do something outside," he declined. "Mauna ka na." Pinatay niya ang lampshade. "Goodnight, Cas."

He rose and walked to the door.

"Do you know what's my biggest fear, Lang?" she spoke out of nowhere.

He stood still, his hand grabbing the knob of the door.

"It's not this war nor death. Mas takot ako na wala na akong babalikan sa iyo. That I will be just a part of your past. Takot ako na salubungin ang mga mata mo at makitang wala na ako doon. I'm afraid that I will not be your most cherished person just like what you always told me back then. At higit sa lahat, takot na takot akong dumating ang araw na ordinaryo na lang ako sa paningin mo. Hindi ko kaya iyon kasi paano naman ako? Mahal na mahal kita. I gave my all to you. Wala na akong itinira sa sarili ko." She sniffed. "Hindi ako manhid. Ramdam kong may nagbago na. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko na hindi na tayo tulad ng dati. I can't accept the fact that my beloved cousin would become my biggest rival in love."

Ikinuyom niya ang isang kamay.

"I'm sorry, Cas," ang tanging nasabi niya. "I don't mean," he gasped hard, "I don't mean to f—"

"No, please. Don't say it. I don't wanna hear it. Please, Lang. Don't hurt me so much. Forget about what I said and I'll pretend that this conversation never happened."

Nagtalukbong ito ng kumot at hindi na nagsalita pa. Rinig niya ang hikbi nito pero hindi niya magawang ihakbang palapit dito ang mga paa.

He doesn't even know what to say. He felt guilty. He felt foolish. He's no longer the genius guy in the family who could read the room and pretend that he's in it.

Lumabas din siya kaagad at nagkulong sa banyo. Umupo siya sa kubeta at hinubad ang gloves sa mga kamay.

Iniunat niya ang mga kamay na iilang piraso ng daliri na lang ang natitira.

These are all the things that he's willing to trade for a fraction of a second to be with Cin again.

Inihilamos niya ang kamay sa mukha at pinukpok ang ulo sa dingding.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Kung dati ay handa niyang gawin ang lahat para lamang makasama kahit ilang segundo si Cas pero ngayong nasa tabi na niya ito ay hindi naman niya makuhang makaramdam ng kasiyahan.

Iba na ang hinahanap niya. Iba na ang isinisigaw ng puso niya. It wasn't Cas anymore. It's Cin this time.

"I'm a stupid selfish man," he whispered and put on the gloves back to hide the ugliness of his hands.



 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now