35: Imposter

144 10 0
                                    

"WHO are you and why do you have Casindra's face?" tanong niya sa tinitimping boses.

Nanginginig sa galit ang mga kamay niya at kung hindi niya pipigilan ang sarili ay baka mabasag niya kaagad ang ulo nito.

Itinikom nito ang bibig at itinaas ang mga kamay sa ere.

"Oh shoot. You busted me already! Akala ko pa naman ay ang galing galing ko nang umarte. Sorry."

Bumalik sa utak niya ang sinabi ni Lucy kanina.

"Let me tell you one thing to save you more time. Cas has long been dead. Kung sinuman iyang Cas na kausap mo ay isa iyang impostor. Whoever presents herself to be her is an imposter."

So this woman right here who has Cas' face is an imposter!

Two years ago,

Prison Facility

"Sir!"

Sumaludo sa kaniya ang bantay sa mataas na bakal na gate nang bumaba siya sa sasakyan.

Tinanguan niya ito at nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa nangangalawang inabandonang base.

Bumaba siya sa underground at dumiretso sa nag-iisang kulungan kung saan nakaditena ang pakay niya.

"I told you already, Nathan. I'm not doing it."

The bald woman in a dirtied white shirt didn't even bother looking up to see him. Nasa pagpapalayok sa loob ng selda ang buong atensiyon nito.

Iniitsa niya ang limang gold bars sa paanan nito saka nagsalita.

"I'll give you more if you do what I say," ani niya at tumalungko at nagsindi ng sigarilyo. "Ako na ang bahala sa lahat. It'll be a special mission so this will not be recorded."

Nakangising pinulot ni Faye ang mga ginto at pinukpok sa sariling ulo. "Shoot! I'm in."

Binuksan nito ang sariling kulungan at nakisindi ng sigarilyo sa tabi niya.

Her whole head is covered with a striking tattoo of a viper, reminiscent of the past organization she's part of.

Fate is the famed chameleon inside the cruelest organized crime syndicate. She can copy everyone, act like someone, and imitate the very minutest detail of any person.

Malandi itong ngumiti sa kaniya. "Ano ang gusto mong gawin ko, Nathan? Sino na naman ang papatayin ko ngayon?" Inilugay nito ang kunwaring buhok. "Will he be cute? Handsome? Can I have him after? Hmm?"

"Wala kang papatayin ngayon, Fate. I just need you to be someone." He gave her Cas' picture. "Act like her. Be her. Love the people she loves. Hate the people she hates. Have her memories. Breathe her identity back into life."

Gumuhit ang isang ngiti sa labi nito saka pinag-aralang mabuti ang nakangiting babae sa picture.

"You're cruel, Nathan. You're the cruelest human I know. Kaya ba sa akin ka lumapit dahil alam mo ang koneksiyon ko sa kaniya?"

Tumayo na siya at tinapakan ang upos ng sigarilyo. "From now on, you're Casindra Alcantara. I expect nothing but  excellence from you, Fate."

Naging inosente bigla ang mukha nito nang nag-angat ito ng ulo sa kaniya.

"Okay po, kuya. I'll do everything you said," sabi nito sa boses ni Casindra.

NAUPO ito sa counter at nagde-kwatro. Itinuro nito ang mukha saka nginisihan siya.

Numbness colonized his heart. Why does it have to be her of all the people he thought would betray him?

"Mahal mo pa ba ang may-ari ng mukhang ito? Kasi sa tingin ko ay hindi na. May pumalit na sa puso mo."

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now