2x05: First Meeting

Start from the beginning
                                    


"Hoyy!"  Natigil ang kasiyahan namin nang biglang sumigaw mula sa pinto si Shai.


"Pwede ba, wag kayo diyan sa madilim!" gaga talaga 'tong kaibigan kong 'to!


Bigla na lang akong nakaramdam ng hininga sa may tenga ko. "Should we go somewhere darker?" Ugh ano ba't may halong landi ang pagsabi ni Enrique nun!!

Hinampas ko siya agad. "Umayos ka ha!"

The night went smoothly but very loudly! Paano naman kasi eh grabe maka-interrogate ang mga kaibigan ko. Dumating pa si Paulo na nakijoin rin. In the end, naging maayos naman. Super vibes na nga si Paulo at si Enrique although sila ni Kiko, hindi pa masyado. Charotero din kasi ang bestfriend kong yun, kung maka-asta akala ex ko! Haha. Teka, bakit ba ganun ang pumapasok sa isip ko? Hayyy

————————————————————————————————————————-

"Montage, good morning!" this simple text in the morning made me smile like an idiot. Grabe ang sarap sa pakiramdam talaga.

Naligo ako, nag-almusal at nagdrive nang nakangiti. Baliw na ba ako? Oo! Siguro! Baka? Ewan ko talaga. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Enrique sa akin at nagkakaganito ako.

Pumasok na ako ng hotel para sa meeting namin kasama ang construction company na makakasama ko para sa project. Kailangan ko kasing malaman ang floor plan nila at window and door arrangement para mas malaman ko kung anong mas okay na design.

On the other side of the building, nakikita ko nang naglalakad si Enrique. Kasama niya na ang mga alipores niya meaning ang secretary at kung sino-sino pa. I sighed. He looked like a man in full authority. Can you believe it? Boyfriend ko iyan!

Nagkasalubong na kami at nasa harap ko na siya. He crossed his arms and looked at me from head to toe.


"Good Morning Sir Gil" i tried to sound professional. Siyempre naman ayaokong ipagsigawan dito na boyfriend ko ang managing director nila. Baka isipin pa nila na nakuha ako dahil kami.


Mukha naman siyang naguguluhan dahil sa sinabi ko.


"Uhm hello? Montage..." he said in a mocking and then held my hand. Napatingin ako sa mga kamay namin.


I tiptoed to reach his ear. "Enrique kasi...a...wag dito" sabi ko habang pinipilit bawiin ang kamay ko.


Kumunot ang noo niya at binitawan na nga ang kamay ko. Kinausap niya ang secretary niya pero hindi ko masyado narinig ito.


Humakbang paatras ang mga kasama niya. Siya nama'y unang naglakad. "Follow me"


Eh? Sumunod rin ako. Nakarating kami sa staircase area at kitang-kita ko na ang likod niya habang ang mga kamay ay nasa bewang.



"Ano yun?" blankong sabi niya.


"Uhm okay. I prefer not telling people about this? Kasi...kasi..."


Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now