This Is Supposed To Be A Happy Day

703 32 8
                                    


Chapter 42






__

Tumambol ang puso ko ng tawagin ako ni Sunny, bumukas ang dalawang malalaking pintuan ng simbahan at lalo akong natakot na lumakad sa aisle dahil sa napakaraming tao ang nakapako sakin ang mata.

Lumunok ako ng ilang beses habang nanatili yung pag tibok ng puso ko sa lalamunan. Napaka liwanag ng buong kwarto at para pa akong nananaginip sa mga sandaling ito.

"Hey,Eyen, don't be nervous, I'm here" Naka hinga ako ng lumapit si daddy at ng umangkla ako sa braso nya, nagkaroon ako ng tapang na lumakad ulit.

Napuno ng emosyon ang puso ko habang naririnig yung piece na napili namin ni Danielle para marinig kapag lumakad na ako papunta sa altar.

"This is really happening" Bulong ng utak ko.

Nasa kanang parte ang lahat ng relatives at kaibigan ko, sa kaliwa naman ang kay Danielle. Iniwasan ko ng tingin yung tiyuhin nyang numero unong may sama ng loob sakin.

Feeling ko impossible ng makalimutan pa nito yung nagawa ko noon.

"Don't mind them, this should be the happiest day of your life, kaya for once wag kang mag isip at mag enjoy kalang" Bulong ni daddy.

"I can't help it, nakakatakot eh 'dy" Huminto kami sa harapan ng altar, hinalikan nya pa ang pisngi ko saka ako mahigpit na niyakap.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pag iyak nya, dahil sa ginawa nya di ko rin ngayon mapigilang maluha.

Pag tingin sakin, pulang pula na ang mga mata nya. Pero ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko. Lalong tumulo ng walang habas ang mga luha.

"I'm proud of you. Na alala ko bigla na parang kahapon lang nung first time mo akong tawaging dada at yung first step mo. And now you're getting married" Hinalikan ko ang pisngi nya.

"Thank you for being here daddy, thank you for loving me despite all of my flaws" Pinunasan nya ang pisngi ko.

"Of course, kahit na ano pang mangyari ikaw parin ang nag iisang baby ko, you're my princess" Napa tayo sya ng tuwid ng tumugtog ang kanta para sa pag lakad ni Danielle.

Umalis si daddy sa line of vision ko at ng makita si Danielle, naging blangko ang utak ko, hindi ko na napansin ang ibang mga tao, dahil na focus sa kanya ang mga mata ko. Parang naging background nalang sila at kinuha na ni Danielle ang buong atensyon ko.

By now, redundant na kung sasabihin kong napaka ganda nya. Even that word wouldn't be enough to describe how ethereal she looks right now.

Na dampen ang lahat ng tunog, habang sumabay sa piano ang tibok ng puso ko. Nag tagpo ang mga mata namin ni Danielle,nag slow motion ang lahat ultimo ang pag takbo ng mga segundo. Ilang sandali pa ngumiti sya ng malaki at di nawala iyon hanggang sa maka lapit sya sakin ng tuluyan. 

Nakipag shake hands ako kay tito Jagger na may maliit pero genuine na ngiti. "Take care of her, I trust you, Eyen" Tumango naman ako.

"I will tito, don't worry" Niyakap nya si Danielle at hinalikan sa pisngi, nakita ko yung pag tutubig ng mata nya pero di nya hinayaang tumulo ang mga luha.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now