Courageous Blaze

737 36 1
                                    


Chapter 23




__

"Ha?!" Malakas na tanong ko.

"Sssh, ingay mo dyan. Zip me up" Napa sibangot ako ng makita yung litaw na cleavage sa long gown na dapat nyang isuot sa isang award show.

"Eh bakit mo ko isasama? Diko pa nga nasasabi sa mama ko yung satin eh" Two weeks narin ng sa wakas ay matapos yung bugso bugso pag ulan.

At dahil sa nag resume nanaman yung abalang schedule nya diko pa nakaka usap sila mama about dito. Nag de demand sya araw araw na ipakilala ko na sya sa magulang ko tutal daw ipapakilala nya na ako sa pamilya nya.

"Oh sino ang kukunin kong date? Sige ihanap mo ko" Sagot nya naman, nag himutok ako bago mag isip.

"Bakit sasabihin na kaagad nating tayo na? Di kaya mabigla sila? Diko parin nakaka usap si Blaze" Sumama ang tingin nya sakin na nakita ko sa salamin.

"Iyon ba yung reason kaya ayaw mo? Natatakot kang malaman nya?" Nag ikot ako ng mata, humarap sya at madiing pinisil ang pisngi ko.

"Wag mo kong ikutan ng mata. I'm telling you, kahit na nandito tayo talagang--" Tinakpan ko ang bibig nya.

"Shhh may maka rinig sayo dyan." Nilakihan nya naman ako ng mata bago ko alisin ang kamay ko. "Naisip kolang na respeto narin para sa kanya, kaya gusto ko syang maka usap" Napa yuko ako.

As much as possible gusto kong respetuhin si Blaze at ayoko rin syang saktan once na malaman nya itong samin ni Danielle. Malapit na kaibigan ko sya kaya napaka halaga rin para sakin ng mararamdaman nya.

"Tsk, fine talk to her tomorrow. I'll tell Ava na sya ang sumama sakin. Sabihin mo narin kay tita at tito" Naka ngising turan nya at ang tinutukoy nya sila mama.

"Haist oo na, kapag ako tinakwil nanaman, bahala na" Mas lumaki ang ngisi nya na para bang may alam sya na diko alam.

Pinanliitan ko sya ng mata, saka nainis nanaman sa suot nya. Diko talaga mapigilan kasi nakikita ko palagi kung paano mag laway sa kanya yung mga tao. Lalo na kapag nakaka basa ng bastos na comments online.

Kahit naman na dati pa ayokong nakaka basa ng degrading na comment about sa kanya pero ngayon mas naging OA ako kaya kung pwedeng pag suutin sya ng jacket at jogging pants iyon na ang gagawin ko. Ang problema lang once na iyon naman ang isuot nya yung mga babae naman ngayon ang na aakit sa kanya.

Kaya diko narin alam kung anong mas pipiliin ko.

"Talaga ba dapat ganyan kababa yan?" Tanong ko ng mas ibaba nya pa.

"Tsk, I told them that I like it this way." Lumapit ako at kinagat ang tenga nya. Napa singhap sya saka nag pout ng lumayo ako.

"When you accidentally flash someone, I'll kill you" Lumaki ang mata nya.

"Aksidente na nga tapos aawayin mo pako?" Hinaplos nya yung tenga nya.

"Aksidente nga pero pinili mong ganyan ka daring yan" Hinaplos nya ang ulunan ko.

"Wag ka mag alala honey ko. Tatakpan kong mabuti ang ingat yaman ko" Kumindat pa sya. Mabilis kong kinintilan ng halik ang labi nya saka may kumatok.

"Make sure of it. Galingan mo" Bulong ko bago buksan yung pintuan. ngumiti yung producer at sinabing malapit ng mag air.

Mag ho host kasi sya for the first time at excited syang gawin ito kasi matagal nya na raw pina pangarap ito. Kumindat ulit sya bago lumabas ng pintuan, nag ayos naman ako ng mga gamit na inilabas nya sa bag.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now