One Call Away

1K 54 2
                                    

Chapter 9







__

Napa dilat ako ng mag ingay ang cellphone ko, kinusot ko ang mata at tinignan kung anong oras na. Alas dos palang ng madaling araw kaya anong dahilan at nang aabala na kaagad ang babaeng ito?

"Hello?" Paos na sagot ko.

"Pick me up" Nasabunutan ko ang sarili sa narinig.

"Nasaan ka?" Naka pikit akong tumayo at hinatak yung hoody kong naka sabit sa likuran ng pintuan.

"Umh I don't really know. All I can see is a fountain? Oh! Pati na itong Horizon" Naguluhan ako saka ko na realize na bar yung Horizon na sinabi nya.

"Papunta nako" Sagot ko.

"Bilisan mo, ang lamig dito" Bago lumabas ng kwarto kumuha pa ako ng isang hoody saka mabilis na nag hilamos para mawala yung pagka antok ko.

Hindi na ako nakapag helmet dahil ayokong mag sayang ng mga segundo. Magandang babae si Danielle at malaking problema iyon lalo pa kung wala syang kasama at may mga lalaking makakakita sa kanya.

Nitong ilang linggo natutunan kong magkaparehong biyaya at sumpa yung kagandahan nya. Biyaya, kasi kapag nasa sitwasyon syang kailangan nyang maka alis, nagagamit nya iyon, sumpa, dahil napakaraming nagpapadala sa kanya ng obscene letters. Nalaman kopa na meron syang mga stalker.

Kaya nga nagtataka rin ako at saan nya pa nakukuha yung lakas ng loob na lumabas ng wala syang kasama o body guard.

Napag usapan narin kasi namin si Ava na the best siguro kung may mag babantay sa kanya, pero nag wawala sya mapag usapan palang iyon.

Kaya lahat ng body guard na kinukuha ni Ava, lumilitaw lang sa labas pero sa penthouse nya ayaw na ayaw nyang makita kahit pa anino ng mga ito.

Pina liit ko ang mga mata ng mapunta ako sa tapat ng fountain na sinabi nya, hinanap ko sya pero sa dilim naging mahirap gawin iyon. Nasa akto na ako sa pag dial ng number nya ng makita ko yung dalawang malaking lalaki sa tabi ng puting kotse.

Nag lakad ako palapit ng mapansing may kina kausap sila. Kumunot noo ako at napa isip, if after all these years ba magagamit ko yung judo na pinilit sakin ni daddy na pag aralan. Para daw sa self defense.

"Dani ihahatid kana namin" Sumilip ako at nakita pa yung pag iling ng hinahanap ko.

"Padating na ang sundo ko Josh, but thanks" Yakap nya ang sarili at nanginginig na sa lamig.

"Ma'am? Andito nako" Lumaki ang mga mata nya, saka ko napansin yung pagkawala ng stiffness sa balikat nya. Para kasing fight or flight ang stance nya kanina.

"Che para ka palang superhero. To the rescue ka any minute" Biro ni Josh, ilang beses na kaming nagkaroon ng small talk kaya sa palagay nya yata nasa biruan stage na kami.

Tipid akong ngumiti at tumango, ng maka lapit na si Danielle.

"Sige, ingat kayo sa pag uwi"

Inabot ko kay Danielle yung hoody na dala ko bago hatakin ng konti pababa yung maigsing dress na suot nya. Paanong di sya lalamigin parang hubad na sya sa suot nya ngayon.

"What is that?" Tukoy nya sa motor ko.

"Sasakyan?" Sagot ko naman.

"I'm not going to ride that thing" Nag krus ako ng braso.

"Anong gusto mo? Mag taxi?" Umiling sya.

"Bakit dika nag dala ng kotse?" Nag ikot ako ng mata.

"Malamang, kasi wala ako non. At naisip ko ng dalhin yung sasakyan mo, pero gugustuhin mo bang mag hintay pa ng twenty minutes na mag isa dito?" Nanlisik ang mga mata nya.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now