First Day as her Alipin

754 43 0
                                    

Chapter 5







__


Sinalubong ko si Jordan sa labas ng selda na kaagad yumakap sakin ng mahigpit. Napa ngiti akong makaka uwi na sya, umiyak sya sa leeg ko hinaplos kolang naman ang likuran nya.

"Anong ginawa mo? Grabe di ako maka paniwala na ganoon kabilis mo ako nailabas" Nag kasundo kami ni Danielle na wala akong ibang pag sasabihan nito dahil daw sa sikat syang artista at ayaw nyang may ibang maka alam sa personal na buhay nya.

Baka di nya lang gustong malaman ng mga tao na may sungay at buntot sya at bato na yung puso nya.

"Jo mag promise ka na dika na papasok sa gulo. Dimo alam kung anong kailangan kong gawin para mailabas ka doon" Naging tahimik sa pagitan namin saka nya ako tinitigan ng matagal.

"Bakit anong nangyari?" Malungkot akong tumingin sa kanya.

"Dimo na kailangang malaman pero sana naman magpaka tino kana" Tumango sya ng ilang ulit.

"Oo, sorry talaga Eyen. Tara inom tayo? Libre ko" Umiling ako.

"Meron pa akong gagawin. Di rin kita maihahatid. Dinala kona pala yung kotse nung kapit bahay nyo sa talyer, bayad narin yon. Pero matagal mo pa makukuha" Inabutan ko sya ng pamasahe.

"Eyen pasensya kana ha, kung problema lang ang dinadala ko sayo" Ginulo ko ang buhok nya.

"Sanay nako Jo saka nakakalimutan mo na bang, utang ko sayo ang buhay ko?" Iyon ang palagi kong sinasabi kapag alam kong nahihiya na sya.

Dahil totoo naman iyon, noong palayasin kasi ako ni daddy bukas ang pintuan ng bahay nila akong tinanggap at wala akong narinig kahit na kailan kay tita Malou.

Wala silang idea about sa pamilya ko at connection ni daddy, kaya alam kong tinanggap nila ako kung ano ako at di dahil sa pwede nilang makuha sakin.

Pamilya nila akong itinuring at isa iyon sa mga masasayang parte ng buhay ko. Kaya tuwing dumadating sa point na napipikon na ako kay Jordan, palagi ko lang ipina paalala sa sarili yung kabutihan nya noong panahong kailangan ko sya. Hindi nya rin naman ako sinukuan kaya tama lang na ibalik ko rin iyon.

Hinintay ko syang maka sakay saka ako bumuntong hininga ng maramdaman yung pag ba vibrate ng cellphone ko. Nag text yung demoñita at nagugutom na raw sya.

"Pakialam ko kung nagugutom ka?" Pagkausap ko sa cellphone ko.

Pero mabilis na akong kumilos at sinuot ko ang helmet. Nasabi nya na sa message yung gusto nyang dinner.

Um-order ako ng shawarma at diet coke na nais nya saka pumunta na sa unit nya, nag message kanina sakin yung manager nya, na discharge na raw si Danielle, ayaw nya rin kasi doon sa hospital at di nya raw matiis yung amoy ng gamot.

Pag pasok sa elevator ilang beses kong ini untog ang ulo ko sa metal. Gusto ko ngang mag crack nalang yung bungo ko para diko na makita pa yung anak ni Lucifer pero matibay ang buto ko.

Kumatok muna ako bago ginamit yung susi na binigay ni Ava sakin kanina. Pag pasok nanlaki ang mata ko sa laki ng itim na asong sumalubong sakin.

Inangilan ako nito, nayakap ko ng wala sa oras yung sumaradong pintuan, bago ko narinig yung boses ni Danielle.

"Bonny this is not the time to bite. But we'll come to that" May mischief nanaman yung kinang ng mata nya.

Naka hinga ako ng sumunod sa kanya yung dambuhalang aso nya. Pumikit ako at humingi ng lakas sa Maykapal bago nag lakad papasok.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now