Deep Conversation, Brown Outs, and Ghost

768 43 3
                                    


Warning!!!
Mature Content Ahead

__

Chapter 20















__

I took a breath of fresh air, ngumiti ako sa liwanag ng malawak na kalangitan bago kunin yung mga dinaanan kong gamit ni Danielle. panibagong araw nanaman ng buhay ko at diko mapigilang isipin napakagaan ng pakiramdam ko.

Isa parin siguro sa dahilan ay yung naging lunch ko kasama sila daddy the other week lang and since then constant yung naging pag tawag ni mama. Sinabihan nya rin akong sa sunday dapat kumain ako sa bahay.

Hindi ko alam kung paano nangyari na naging maayos yung samin ni daddy ng ganoon lang. Pero di ako mag re reklamo kasi gusto ko ring maging mabuting anak habang maaga pa.

Tinuro iyon sa akin ng pakiki pag kaibigan ko kay Jordan pati na yung mga kailangang i sakripisyo ng kaibigan ko para sa pamilya nya.

Tumimo sa utak ko noon na dapat akong mag pasalamat na dalawa pa ang magulang ko. At may pagkakataon pa akong maitama yung lahat ng mali ko sa kanila.

So siguro ready na ako ngayong pakisamahan ulit sya. Para din mas maging masaya ang mama ko. Iyon lang naman ang mahalaga.

Habang nasa elevator sininghot ko ang isang puting rosas na binili ko kanina sa tabi ng coffee shop na madalas kong bilhan ng almusal ni Danielle. Na alala kolang na last time sinabi nyang isa yon sa pinaka gusto nya.

Bigyan sya ng isang puting rosas sa umaga. Wala akong idea kung bakit ko ginagawa ito pero gusto ko syang maging masaya. Saka para din di sya toyoin, kaya sisimulan ko ang araw nya na matutuwa sya.

Sa loob ng penthouse, inayos ko sa tray table ang almusal nya. Nag lagay pa ako ng heart gamit ang catsup sa omelette nya. I guess pwede ko namang gawin yung panliligaw sa kanya basta wag lang akong aasa.

Natutulog pa sya pag punta ko sa kwarto, may ingat ko namang ipinatong yung pag kain sa bedside table at tinapik sya. Nag dilat sya ng mata at napa ngiti ng makita ako.

(Choir of Angels Singing in the background)

Napa iling iling ako at nag focus.

"Good morning mahal na prinsesa. Andito na ang breakfast nyo" Naupo sya at nag liwanag ang mga mata nya ng makita yung rosas doon.

"Morning" Nag ready ako ng mga gamit nya habang magana syang kumain. Good choice talaga na bumili ako ng bulaklak.

After noon naupo ako sa tabi nya at pinagmasdan lang sya. Naisip ko ring mag sulat ng note na isa pa sa demand nya as a nililigawan.

"Here, diko alam kung paano mag susulat nyan pero sinubukan ko" Isa pa iyon sa ikina liwanag nya. Para na syang araw sa kalangitan.

"Thank you" Binasa nya yung nasa papel at napa kunot noo. "Wala akong sungay and I don't snore" Natawa ako at hinatak sa kanya yung papel.

"Mali pala, di para sayo ito" Ibinigay ko sa kanya yung pangalawang papel. Marami kasing typo yung unang sinulat ko at parang more of an insult pa iyon.

"Hmm, do I really make your heart skip a beat?" Inosenteng tanong nya. Ayaw kong aminin na nag search lang ako online kung anong isusulat doon.

"Oo naman, lalo na kapag nag tra transform kana" May kalakasan nyang hinampas ang braso ko. "Aray" Hinimas ko iyon bago sya lumapit at hinalikan ang labi ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now