The Bachelorette Party

682 33 4
                                    

Chapter 41













__

"Thank you for having me" Naka ngiting turan ni Danielle matapos humupa ang masigabong palapakan.

"We're happy to see you again. Kailangan nga ulit yung last time na nandito ka?" Napa isip si Danielle.

"Umh, kasama ko yata si Josh non, If I'm right" Tumango ang lalaking Ivory daw ang pangalan.

"How's life since then? Kamusta ang Reyna ng Teleserye?" Ngumiti sya ng magka ingay nanaman.

"I'm great, and getting married" Itinaas nya pa ang kamay at tumutok sa daliri nya ang camera.

Nag 'oooh' ang mga nakakita ng singsing habang naka nganga yung mga babaeng host. Diko alam kung bakit parang napaka big deal sa kanila noon.

"Wow, looks really expensive" Mahinhin yung hagikgik na pinakawalan ni Danielle.

"I deserve only the best lang daw eh" Hindi ko sure kung sino nag sabi noon sa kanya, pero di ako yon.

"What can we expect from you now, Danielle? Mag fo focus kana ba sa family life? Tiyak na maraming malulungkot." Nag kibit balikat sya.

"Siguro lalayag na yung Venice and Danielle na ilang beses ng ipinag sisigawan ng nga fans. Magiging canon na ito." Napa pikit ako ng maging wild ang mga tao, lalo na doon yung may hawak na malaking banner ng mukha ni Danielle.

Si Venice Velasco ang tinutukoy nya, iyon yung babaeng kasama nya ngayon sa isang movie. Maraming nakapansin ng chemistry nila sa current movie at na disappoint na bakit daw di sila ang nagka tuluyan sa dulo.

Tumawa ng malakas si Danielle ng makita ang reaksyon ng mga tao, saka sya tinanong ng mga host if di raw ba mag se selos ang magiging asawa nya.

Walang nakaka alam na sinamahan ko sya at naka upo ako kasama ang audience. Umungot sya kanina na samahan ko na sya dito dahil magkikita rin naman kami at magiging half day lang talaga ako sa s trabaho.

Meron kasi kaming appointment about doon sa ina ayos na kasal.

"Di naman selosa yon, saka siguro matatanggap nya naman. But If you find me one day roaming the streets, meaning pina layas nya na ako" Lalo silang lumigaya sa narinig.

Kaya minsan diko alam kung balak din nitong si Danielle na maging komidyante.

"Pwede ka sa bahay namin Danielle!"

"Palalayasin ko ang asawa ko para sayo!"

"Sayo nalang ang bahay ko!"

"Ibebenta ko ang kapatid ko, maibili lang kita ng bahay!"

Napa simangot ako sa lahat ng narinig.  Diko alam kung paanong naging nakaka tawa pa yung mga sinabi nila.

"Oh, I just heard that she's with you on the cover of the RB. They are all curious about who actually wins your heart." Inayos ko ang kabit ng sumbrero ng makita ang mukha namin ni Danielle sa malaking screen.

Maya maya pa bumalik ang camera sa mukha ni Danielle na may napaka laking ngisi, tuma tango tango pa sya para bang tumama sya sa lotto.

"Pretty is her middle name. Imagine waking up to that face every day and not fall madly in love. Impossible. Hmmmm she's so dreamy." Napa iling iling ako, talagang itinaon nya pa sa harap ng TV ang pag si simp nya.

Madalas yong itawag sa kanya ni Maddox.

Napa aww yung mga fans at nagka tawanan ang mga host. Mukha silang aliw na aliw doon sa isa.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Onde histórias criam vida. Descubra agora