What happened last night?

745 45 4
                                    


Chapter 12



__

Hindi ako naka tulog kagabi dahil nag re replay sa utak ko lahat ng nangyari pati na yung mga sinabi nya. Kaya antok na antok ako pero yung idea palang na makikita sya parang sapat na para magising ako.

Nag kalat ang utak ko ngayon at ilang beses na akong bumalik sa boutique na pag kukuhanan ng wardrobe nya para sa isang award show.

Lahat ng order din mali mali ako kaya pag tuntong sa lobby ng building nya. Napaka gulo ng buhok ko at mukha na akong timang.

Huminga ako ng ilang ulit, pumikit ako at pinilit alisin sa utak ko lahat ng nangyari.

Sumakay ako sa elevator at may ngiti kong sinalubong si Bonny na nag hihintay na sakin. Nilagyan ko sya ng pagkain saka pumasok sa kwarto ni Danielle. Wala na sya sa higaan nya kaya mas nagulat akong diko na sya kailangang gisingin.

Ipinatong ko sa kama nya yung susuutin nya ngayon saka ako lumabas at nag decide na mag luto ng tapa at itlog. Noong isang araw ko pa sya naririnig na nag cre crave nito kaya noong dalhan ako ng kapatid ni Jordan sa bahay si Danielle kaagad ang naisip ko.

Lumitaw si Danielle ilang minuto, at katatapos nya lang maligo. Naka black silk robe sya at naka paloob sa twalya ang buhok, ng yumuko sya para haplusin si Bonny.

Malakas na tumambol ang puso ko ng dumaan sya sa harapan ko para kumuha ng tubig. For the very first time naisip nyang gamitin yung sarili nyang kamay.

"Buksan mo yung vent, aalingasaw sa buong bahay yan" Taas kilay na komento nya, ginawa ko naman iyon, kanina ko pa iyon naisip gawin pero nawala na sa utak ko.

"Mag breakfast kana muna" Umiling sya na ikina kunot ko ng noo.

"I'm on a diet" Sagot nya, saka nag takip ng ilong na para bang nag lilihi.

"Pero the other day lang sabi mo gusto mo ng tapa, diba?" Kumuha sya ng mansanas sa basket na nasa taas ng lamesa at di sumagot.

First time ito na tinanggihan nya ang pagkaing dala ko, mabilis ang metabolism nya kaya nakakain nya parin lahat ng gusto nya. Na isa sa hinahangaan ko.

So malaking bugtong ito para sa akin.

Sya tumanggi sa masarap na pagkain?

Matapos mag sangag at mag prito ng tapa at itlog. Dinala ko yung pagkain sa salas. Naka upo sya at nanonood ng favorite program nya, naupo na ako sa tabi nya pero di parin sya nag komento.

"Ayaw mo ba talaga? Natatamad kang mag kamay? Gusto mo subuan kita?" Sinamaan nya ako ng tingin.

"Bakit ba ang pilit mo? Trabaho mo bang panghimasukan ang mga desisyon ko?" Ipinatong ko yung pagkain sa harapan nya.

"Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Kaya ka nagkaka ganyan?" Kumunot noo sya saka napa upo ng tuwid.

"What happened last night?" Hindi ako kaagad nakapag react, kasi totoo bang wala syang na aalala o gusto nyang i elaborate ko pa?

"Yung pag sundo ko sayo. Masama pa ba ang pakiramdam mo kaya wala kang ganang kumain?" Napa tango tango sya.

"So you're the one who picked me up. I thought Wyatt drop me off" Kung totoo ang sinasabi nya meaning di nya natatandaan ang nangyari.

Siguro mas tama na iyon dahil ayaw kong maging awkward sa pagitan namin. kaya magiging maganda sana kung makakalimutan ko narin iyon. Pero mukhang kahit na inuntog ko ang sarili dina mabubura ang lahat sa alaala ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now