Choir of Angels, Singing

776 44 0
                                    

Chapter 18








__

Medyo nalito ako na napaka bango ng katabi ko at ang lambot pa ng balat nya. Saka ko naisip na wala dapat akong katabi dahil mag isa lang akong nakatira sa apartment ko. Sinalakay ako ng takot ng idilat ko ang mga mata.

Na alala ko bigla, natulog ako sa penthouse nya, hindi ko alam kung anong oras kami naka tulog pero napaka gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Iba siguro talaga kapag ganito kaganda yung sasalubong sayo. Hinaplos ko ang pisngi nya, parang angel ang katabi ko na naka yakap pa ng mahigpit sakin. Kung alam nya lang na kahit sa panaginip diko sya matakbuhan.

Sumiksik sya sa leeg ko, tumanaw lang ako sa dingding meron ng liwanag sa labas kahit pa makapal ang mga kurtina. Tumatahol narin sa labas ng kwarto si Bonny, kaya may ingat kong inalis ang kamay nya sa beywang ko at tumayo.

Nag inat inat muna ako saka tumungo sa banyo para mag toothbrush at hilamos. May liwanag sa mukha ko ngayon na nakaka gulat, siguro dahil sa ngayon lang yata ako nakatulog ng walong oras.

Tumalon talon si Bonny ng labasin ko na sya, kagat kagat nya rin yung tali nya na pinipilit nyang ibigay sakin. Mukhang masyado nga syang natuwa noong last time na mag lakad lakad kami.

"Maaga pa Bonny, kumalma ka muna. Dipa ako nag ka kape" Sumunod sya sakin sa kusina, nilagyan ko naman sya ng pagkain saka ako nag salang ng mainit na tubig.

Ilang sandali lang ng kumulo ito, nag timpla ako ng 3in1 na sinama ko noong mag grocery ako saka ako naupo sa malamig na sahig katabi ni Bonny. Natulala lang ako habang wala pa namang pumapasok sa utak ko.

Saka ko narinig yung pag bukas ng pintuan ng kwarto ni Danielle. Kahit nasa kalagitnaan ng pagkain tumakbo si Bonny para siguro batiin sya ng good morning.

"Hey baby, morning" Turan nito sa paos na boses. At diko maiwasang isiping napaka sexy non. Napalunok ako.

Nakita ko syang dumaan sa harapan ko pero di ako kumilos sa pagkaka sandal ko sa tabi ng refrigerator. Hindi ko alam kung anong ginawa nya pero maya maya lang ng maupo sya sa tabi ko.

"Morning" Bati nya, bumilis ang tibok ng puso ko sa pamamaga pa ng mukha nya mula sa pag tulog.

"Morning" Balik ko, nakita kong nag timpla din pala sya ng kape. Pinanood ko ang magiging reaksyon nya ng magusot ang ilong nya sa pag higop.

"Dilang siguro ako sanay" Komento nya.

"Ayaw mo nyan, diba?" Mapait iyon para sa panlasa nya at ayaw nya ng mapait.

"Gusto kolang i try. Paano mo naiinom to?" Ngumiti ako.

"Nilulunok kolang para magising ako" Sumandal sya sa balikat ko at sa ngayon isa na sa dapat kong kasanayan ay yung pagiging clingy nya.

"What's my schedule for today?" Inalala ko yung mga appointment nya dahil wala sakin ang cellphone ko.

"Meron kang photo shoot before tayo pumunta sa taping" Dahil kukunan sya para sa isang magazine.

*Anong oras?" Ayon ang diko matandaan.

"Check ko later wala sakin cellphone ko" Wala ng nag salita samin habang inuubos ang kape. "Plano ko sanang dalhin si Bonny sa salon. Para mapa bawasan yung buhok nya, baka mamaya dina sya nakakakita"

"Okay, we can take her to Sunny's clinic" Siguro iyon yung personal na veterinarian ni Bonny.

"Edi kung dadalhin mo sya, kailangan paba ako?" Kasi ano pang gagawin ko doon. Saka maganda rin na makapag bonding sila.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon