Confused Heart, Mean Words

688 43 4
                                    




Chapter 13









__

Pagdating sa penthouse, naabutan ko yung nagkalat na piraso ng wine glass at bote ng champagne. Mukhang mag isa syang nag se celebrate.

Hinanap sya ng mata ko ng makita yung patak ng dugo sa mga bubog, maya maya lang naman ng lumitaw syang may dalang dust pan. Hindi nya ako kaagad napansin kasi mukhang lasing na lasing parin sya.

Pinanood ko sya sa kadiliman till sa lumuhod sya at damputin isa isa yung piraso ng bote. Lumapit na ako at kinuha sa kanya yung maliit na dust pan, may gulat ang naging pag lingon nya sakin at saka sya kumunot noo.

"Woah Are you real?" Kinuha ko rin yung maliit na walis.

"Maupo ka nalang don" Walang tanong syang sumunod.

Napa iling ako sa dami ng nag kalat na bubog, yung iba rito nahanap ko pa sa ilalim ng sofa at mesa. Pasalamat nalang talaga na di sya naka tapak.

Inilagay ko sa paper bag yung mga bubog saka nilagyan ng label para walang ma disgrasya, saka ko ito itinabi doon sa ibang basyo ng alak na naka tabi sa cabinet ng sabon at dishwashing liquid.

Bago ko sya balikan kumuha ako ng baso ng tubig pati na yung first aid kit na naka display sa may banyo. Binuksan ko ang ilaw para mas makita sya ng maayos, may ngiting naka display sa mukha nya, na ibinibigay nya lang sakin tuwing naka inom.

"Here drink this, saan ka nasugat?" Tanong ko matapos iabot ang tubig.

"Dito, but it's not painful" May ingat kong hinawakan ang daliri nya, at gaya ng sabi may natuyong dugo sa hintuturo nya.

"Ang clumsy mo kung minsan" Komento ko habang nililinis ang sugat saka ko ito nilagyan ng band aid.

"Bakit umalis ka ng di nagsasabi sakin?" Nanatili ako sa pagkaka upo sa carpet at lumayo sa kanya matapos ilagay ang band aid.

As much as possible gusto kong magkaroon kami ng malaking pagitan

"Ayoko lang maka abala. Kanina nandoon yung mga friends mo at busy ka mag celebrate, so I thought it really wouldn't be a big deal" Nagulat ako ng bumaba sya mula sa sofa at naupo sa tabi ko.

"It is to me, Gusto kong nandoon ka, I feel safe when you're around" Diko inaasahang sasabihin nya iyon pati na iyon pala ang nararamdaman nya kapag kasama ako.

"I'm sorry, next time dina ako aalis hanggang di nagpa paalam sayo" Balik ko naman.

Hinayaan kong mag hari ang katahimikan, pinagdasal ko rin na maka tulog nalang sya. Mas mapapanatag ako kung iyon ang mangyayari at dina ako malilito pa sa mga kinikilos at sinasabi nya tuwing alak ang nagpapa andar sa buong sistema nya.

"You kissed me, right? The other night?" Nilingon ko sya at napa ngiti ako sa puppy eyes na meron sya.

"Sabi mo nakalimutan mo"

"Well na alala ko ngayon. Why didn't you said anything about it?" Nag kibit ako ng balikat.

"Ayokong maging awkward at alam kong di mo naman sinasadya yon." Napa lunok ako ng lumapit pa sya till maramdaman ko yung lambot ng balat nya sa braso ko.

"It would be okay to kiss you again, right?" Pinisil ko ang pisngi nya ng subukan nyang ilapit ang mukha.

"Hindi pwede Danielle, naka inom ka at wala sa tamang katinuan" Hinawakan nya ang wrist ko para bitawan ang pisngi nya.

"I know what I'm doing, Eyen. Come on, would you let it happen if I promise to forget it in the morning?" Mapait akong natawa, ano bang gusto nya?

"Ito ba yung bagong paraang naisip mo para pahirapan ako?" Kasi wala sa plano kong masaktan at hindi nya ako laruan.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now