I Don't Cook, I Don't Clean

710 41 7
                                    

Eyen's POV








Chapter 4













__

Pinunasan ko ang kamay at tumayo mula sa pagkaka upo ko sa bangkito, araw ng paglalaba ko at hinahabol ko ang init ng araw para matuyo lahat ng kobre kama at kumot. Kamalas malasan lang na ngayon pa nag loko yung washing at wala akong choice kundi ang mag kusot.

Pinaka ayaw kong ginagawa ito.

Abala ako doon ng mag ingay ng mag ingay ang cellphone kong nasa kwarto. Bumuntong hininga ako na baka mamaya tinatawagan nanaman ako ng mga manager ngayon sa resto para pag hanapin ng staff kung maraming absent.

Pag dampot sa cellphone di naka register yung number kaya naisip ko ng wag sagutin. Nauuso pa naman ang scam ngayon pero dahil tumayo na ako, sinagot ko na dahil baka bagong number lang ito ni Blaze na madalas mangulit sakin.

Saka na alala kong wala namang ma i scam sakin.

"Hello?" Narinig ko yung pag singhot at pag hikbi. "Hello? Sino to?" Medyo maingay sa kabilang linya.

"Hello Eyen, busy ka ba?" Sinalakay ng kaba ang dibdib ko ng marinig ang boses ni Jordan.

"Jo bakit? Naglalaba lang ako" May narinig akong nag mura at sumigaw na mas lalo kong ikina takot.

"Kailangan kita ngayon. Nasa kulungan ako" Nanigas ako at nanlamig sa pwesto.

"Anong ginawa mo Jo? Ayos kalang ba?" Nanikip ang dibdib ko sa pwedeng kinalalagyan nya.

"Hindi ko naman alam na ganito yung pwedeng mangyari eh. Paano nakaka inis kasi yung babaeng yon, akala mo kung sino" Sumakit ang ulo ko bigla.

"Jordan ano nanamang ginawa mo?" Narinig kong may tumawag sa kanya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, nang hiram lang ako ng cellphone. Eyen ikukulong daw nila ako. Hindi ko kayang mabuhay sa kulungan" Lalo akong nanlambot sa sinabi nya.

Pati ako natakot sa problema nanamang kina sangkutan nya. Gusto kong mag wala na ilang oras lang syang mawawala sa paningin ko nasa kulungan na kaagad sya.

"San bang presinto yan? Pupuntahan kita" Narinig kong nag tanong sya saka sinabi sakin yung address.

Nag palit ako ng damit at mabilis lang na nag hilamos. Nahagip ng mata ko yung naka salang na ulam at yung naka saksak na rice cooker ko. Alas dos na pero dipa ako nag a almusal at akala ko ma e enjoy ko ang araw na ito pero maling mali ako.

Kung kailan pa ako sinipag na mag luto, na diko ginagawa on daily basis. Laging de lata ang ulam ko, na convenient para sa may busy schedule.

Magulo pa ang bahay at nag kalat yung mga damit na pinatong ko sa sofa na susunod sa kukusutin ko.

Hindi ko na sure kung kailan ko pa ito malilinis, kapag nawala na ang wave ng kasipagan.

For the meantime, Inalis ko sa isipan iyon at pumunta na sa motor ko.

Sa kahabaan ng byahe, kung anu ano ng naisip ko at nanalangin ako na sana mapapaki usapan yung taong na perwisyo ni Jordan, kasi wala rin namang pera ang pamilya nya. Sa totoo lang bread winner pa nga sya at dalawang kapatid nya ang nasa college na pinag aaral nya rin.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon