Work Smart, Not Hard

690 38 0
                                    

Chapter 8







__

"Yes ma'am" Ikot matang tugon ko sa demand nya nanaman.

"I fucking saw that!" Natulig ako sa tinis ng boses nya.

"Sorry" Sagot ko lang saka lumuhod sa harapan nya para masahihin ang binti nya.

Kanina nya pa ako sinasabihan na masakit daw ang calves nya at cue ko na yon para i massage sya.

Ilang weeks narin akong julalay kaya medyo kilala ko na ang ugali nya. Nag basa sya ng magazine habang para naman akong alipin noong unang panahon.

Mamaya pa kami aalis at kanina matapos syang mag exercise tinawagan nya ako. Wala syang binigay na dahilan, pero dapat nanginginig pa akong sumunod.

"Umh ma'am Dani dimo ba naisip na i potty train si Bonny?" Naisip kong itanong tutal mukhang good mood naman sya, compare the usual days.

Hindi sya sumagot sa halip sumipol sya, tumakbo papunta sa amin si Bonny. Sumenyas sya gamit ang index finger at middle finger nya, naupo si Bonny at ibinaba ang ulo nya. Namangha ako at di nakapag salita.

"Bonny, pee" Nanlaki ang mga mata ko at na realize na kagagawan nya yung halos araw araw na paglilinis ko sa ihi at poopoo ni Bonny.

Pinanood ko yung pag agos ng ihi ng malaking aso saka medyo dumiin ang pagkaka pisil ko sa binti nya. Sinipa nya ako dahil sa ginawa ko saka ako hinampas ng throw pillow.

"Clean that before you piss me of" May galit kong kinuha yung mop at sabon sa laundry room.

Pinanliitan ko pa ng mata si Bonny, na nag baba ng tingin, parang guilty rin sya pero parehas lang kaming alipin, kaya diko rin naman sya dapat na sisihin.

Nag bukas ng TV ang boss ko at nagpunta nanaman sa pinaka favorite nyang program. Sa ngayon, idine detalye ng program host kung ilang parte ng lalaki na natagpuan sa bakanteng lote na malapit daw sa isang kilalang park.

Ipinahayag ng suspect na hindi nya kailanman pagsisisihan yung ginawa nya, kung binabawasan nya lang daw ang kalat dito sa mundo.

Lahat ng serial killer na hilig panoorin ni Danielle ay babae, at minsan natatakot ako na baka mamaya pag practice-an nya akong torture-in sa sama ng loob nya sakin.

Pina kintab ko nalang ang tiles nya kaysa makipag titigan sa kanya or mag salita. Dalawa lang kami dito at ayaw kong maubos ang pasensya nya.

"What do you do this days?" Umangat ang tingin ko sa tanong nya.

"Sinasamahan ka? Pero pag nasa bahay lang naglalaba ako" Nag ikot sya ng mata at parang napikon pa sa sagot ko.

"I meant, do you have a job?" Sya pa yung nainis eh napakaraming pwedeng sagot sa una nyang tanong.

"Nag ma manage ako ng restaurant. You know, Old Spice? Baka nadaan kana doon" Tumaas ang isang kilay nya.

"Oh really? Kilala ko ang may ari noon" Dina ako nagulat kasi nabibilang din naman yung pamilya nya sa mga elite na clan dito sa bansa.

Iniwan ko sya at ihinanda ang bathtub, before three, meron syang guesting kaya kailangan na maka ligo na sya at gusto nyang nagbababad para daw pakalmahin yung mga nerve endings nya.

Ilang minuto lang naman naka sunod na sya sakin at bath robe nalang ang suot. Nag iwas ako ng tingin ng mag hubad sya, ayoko syang tignan dahil baka mamaya ano nanamang pumasok sa utak nya.

Di parin kasi nawawala sa memorya ko yung mga sinabi nya nung last time na malasing sya inakala nya pa yatang type ko sya. Kundi ba naman nuknukan ng yabang, aminado akong maganda sya pero di lang naman sya ang magandang kilala ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon