Best friend Forever

1.1K 38 1
                                    

CHAPTER 1

















__

Into the Modern World

"Sorry po, pasensya na po kayo." Ilang beses akong yumuko sa nanggagalaiting customer. Mali na ang order na natanggap nila napaka tagal pa nila itong hinintay.

Mag asawa silang mukhang nasa sixties na, lolo at lola kolang ang na aalala ko sa kanila at di ako naiinis sa ina akto ng matandang lalaki dahil nasanay narin siguro ako sa lolo kong maya't mayang high blood.

"Tama na yan" Kanina pa ito pinipigil ng ginang na mag eskandalo. Pero mukhang talagang may ipinaglalaban ito at iyon nga ay yung pag hihintay nito sa pasta nitong dumating ng 30 minutes late.

"Pasensya na po" Hingi ko na nanaman ng paumanhin.

"Hindi ko ine expect na ganito ang service dito! Mga wala pang modo ang mga waitress" Nag tagis ang bagang ko saka ko nai kuyom ang mga kamay.

"Sorry po, on the house na po ang order nyo" Kahit na narinig na ako may galit parin nitong nilabas ang isang libong papel at ibinato sakin.

"Maririnig to ng mga kaibigan ko. Walang kwenta ang restaurant na ito!" Bulyaw pa nito, hinatid ko sila hanggang sa maka labas sila.

"Wag na po sana kayong babalik" Mahinang bulong ko ng tuluyan silang mawala sa paningin ko.

Halos lahat ng tao sa loob ng restaurant naka sunod ang mata sakin, yung iba may awa pa habang nagmamasid. Nahilot ko naman ang sentido saka dumiretsyo sa kusina.

"Sorry Eyen hindi ko nabasa ng mabuti yung resibo tas akala ko talaga sya yung last time na na chansing kay Mon" Nag ikot ako ng mata sa pag sunod sakin ng kaibigan ko.

"Kung nandito si ma'am Blaze parehas na tayong nawalan ng trabaho" Balik ko.

"Di maglalakas ng loob yon na tanggalin ka. Edi nagkagulo dito?" Sagot nya naman.

"Kahit na Jo, alam mo parin dapat ang lugar mo. Puro kasi init ng ulo ang pinapa iral mo. One of this days sigurado akong ipapahamak ka nyan" Ever since makilala ko sya iyon na ang pinaka kinasanayan ko na war freak sya. Parang pinag lihi sya sa sama ng loob.

"Pasensya na nga, dina mauulit problemado lang ako" Kung wala kami sa kalagitnaan ng trabaho kanina kopa sya nasapak.

Last week pa ganito ang performance nya at isa sa pinag sisisihan kong ako pa lagi ang manager kapag naka duty sya. Lumalakas kasi ang loob nya dahil alam nyang kahit na anong gawin nya kakampihan ko sya.

"Wag mong sirain yang buhay mo dahil lang sa nakipag hiwalay sayo si Fengs. Kundi mo pala kayang mag focus dito, bakit pumasok ka pa?" Inis ng turan ko.

"Kailangan kong libangin ang sarili ko kasi kapag wala akong magawa palagi ko lang naiisip na tawagan sya" Gusto kong pumunta ngayon sa rooftop at tumalon nalang.

"Ewan ko Jo, bumalik ka nalang doon" Nag sorry ulit sya kahit pa gasgas na gasgas na iyon.

Pumasok ako sa loob ng kusina at tumulong mag labas ng ibang order na naka pending. Kundi ko sila tutulungan, lalo pa kung wala si ma'am Blaze, hindi na mag fa function ang buong resto, sumasabay pa yung kaibigan kong pinapabagal pa kami lalo dahil sa attitude nya.

"Di makapag reklamo yung iba dahil nire respeto ka nila Cheyenne. Pero sobra na yang si Jordan" Napa yuko ako sa narinig sa head chef namin.

Mas nauna sya sakin dito, kaya sya lang sa lahat ang may lakas ng loob na pag sabihan ako. Wala kasing tumatagal dito lalo pa't open ang employment namin sa mga estudyanteng kailangan lang ng mapagkaka kitaan for the mean time.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now