Soulmates

697 34 1
                                    

Chapter 30









__

"Look at this anak napaka ganda" Naka ngiting turan ni mama at sasagot na dapat ako pero mukhang di ako ang kausap nya.

"Yes ma, pero palagay ko mas maganda if lalagyan nyo nito" Sabi ni Danielle sa tabi ko.

Binisita namin si mama ngayon bago pumunta sa bahay nila, sinabi ko rin kasi na medyo malayo ang byahe kaya ito na ang inuna namin habang maaga pa. At nagulat si mama, natuwa din sya ng sobra pagka kita kay Danielle.

Naging close sila mula nung sabihin ni Danielle na mahilig sya sa bulaklak kahit na dati pa. Meron kasing flower shop ang mga lolo nya sa probinsya at noon madalas syang tumambay doon at ilang beses narin syang naka pag ayos ng bulaklak sa mga kasal.

Kaya mas excited pa si mama na makita sya ngayon kaysa sakin dahil nahanap nya na raw yung taong makaka intindi kung bakit isa ang mga bulaklak sa pinakamamahal nyang bagay dito sa mundo.

"Wow, yeah you're right. Yon yung pino point out kong parang kulang kanina pa. You have a good eye for this Danielle" Nagbaba sya ng ulo at ngumiti ng mahinhin nagulat ako at siniko sya.

"Baka mahipan ka ng masamang hangin dyan" Nag pout naman sya at malakas akong pinalo sa hita. "Ah, aray ha"

"Ito namang honey ko mapag biro" Nalukot ang ilong ko ng pisilin nya pa ang pisngi ko. Tumawa naman si mama na akala nya yata nag lalambingan lang kami.

"Eyen, tinawagan kana ba ng lolo mo?" Kumunot noo ako sa narinig.

"Bakit? May nangyari nanaman ba? Nilayasan nanaman ba sya ni lola?" Kasi ilang beses narin nangyari yon kapag may di sila mapag kasunduan.

Hinaplos ko ang hita ni Danielle sa ilalim ng mesa habang pinag mamasdan syang mag focus doon sa mga bulaklak sa harapan nya. Tumingin pa sya sakin sandali at ngumiti ng malaki, diko napigil na halikan ang pisngi nya.

"Hinahanap kalang nya at dika daw nadadalaw sa bahay. Alam kong medyo matagal pa ang wedding anniversary nila pero dapat na mag ready na kayo." Napa ngiwi ako, sa palagay ko diko pa handang ipakilala si Danielle sa kanila.

"Nawala sa isip ko. Tsk, dapat ba isama ko si Danielle, ma?" Tumingin sakin itong girlfriend kong mas engrossed pa sa mga bulaklak kaysa sakin.

"Ano bang meron?" Tanong nya.

"Yung mga grandparents kong old fashioned. Di pwedeng wala ako sa golden anniversary nila,kasi unang apong babae daw ako na big deal sa kanila for I don't know why." Umiling si mama.

"Alam mo, kaya mahalaga para sa kanila yon kasi ikaw din ang unang apo na na-alagaan nila. Paano sakit ng ulo yung mga pinsan mo" Napanga lumbaba ako.

"Eh paano yan? Numero unang homophobic yung si lolo. Paano ko dadalhin si Danielle sa dinner kung sakali man?" Dahil hindi ko gustong maka away sila.

"Pwede mo namang ipaliwanag sa lolo mo, dimo kailangang itago sa kanya kasi kapag sa paraan nya pa nalaman yan. Parehas tayong lagot" Pinanood ko si Danielle ng ipakita nya sakin yung flower crown na sya palang pinagkaka abalahan nya.

"I can handle myself, you can introduce me. I think, I'm full of charms and I'll do anything for them to like me" Pag a assure nya naman.

"Ayokong awayin ka nila. Ganun ang ginawa nila kay mama" May lungkot na turan ko.

"Eyen, di nila ako inaway more on pina layo lang sa daddy mo. Pero natanggap rin naman nila ako lalo na nung malaman nilang mahal talaga namin ng daddy mo ang isa't isa" Napa ngiti doon si Danielle.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now