Preoccupied

517 33 3
                                    


Chapter 34












__

Dumaan ng mabilis ang mga linggo at bilang kolang yata sa daliri ko sa kamay at paa ang naging tulog ko. May inkling na akong mangyayari ito kasi alam ko naman na di madaling magpa takbo ng isang negosyo.

Yung restaurant nga nangangarag ako, malaking kompanya pa? Na di naman pumasok kahit kailan sa utak kong i manage. Till now nandoon parin yung pakiramdam na para akong nangangapa sa dilim.

Tuwing madadapa figuratively at literally, unti unti ng nauubos yung confidence ko kahit pa wala namang tumatawa ng malakas sa pagmumukha ko. Kasi kahit di nila gawin yon, nanliliit nako.

"What do you think?" Umangat ang mata ko mula sa pagkaka tulala sa papel na pinababasa sakin about sa presentation ngayon.

"Um..." Matagal kong binasa yung nasa screen, nakalimutan ko na kung tungkol saan ang ipinunta ko rito. "Yeah maganda, but I think kailangan ko parin basahing mabuti yung idea" Lahat ng diko maunawaan dito ay inuuwi ko sa bahay para basahin namin ng sabay ni Danielle. Most of the time mas gets nya pa kasi ito kaysa sakin.

"If you're okay with it, Cheyenne, I'll take over and lead the project. To take some off your plate. Because obviously , di mo na mai ha handle pa ito." Napa upo ako ng tuwid.

Ano bang sinasabi nya? Pino provoke nya ba ako? Gusto nya ba talagang tumulong?

I doubt it,... Bulong ng boses ni Danielle.

"No need, Killian. I'll handle this. And this will be my first project here. So I am ready to learn. I'll meet the group that's in charge of this project, and I'll talk to them the moment that we're done here." Sagot ko, ngumiti sya at tumango.

Nag proceed ang iba sa pag re report sakin. About sa sales at iba pang nangyayari sa kompanya.

After noon, diko nasunod yung sinabi ko na makikipag kita ako sa marketing department. Yung new project ay about sa commercial ng kumpanya, kailangan naming linisin yung bad impression na iniwan nung nagdaang issue sa MVC.

Dahil sa recent backlash na tinamo ng kompanya isa ito sa naisip nila bago pa ako dumating, para narin daw mabawi ang magandang pangalan ng kompanya. At sabi ni daddy power move daw kung makikita ng mga tao na babae na ang nagpapalakad ngayon sa Monte Verde Corp.

Sa totoo lang, para akong lagari na pinag papasahan at diko narin alam kung nasaan dapat ako ngayon. Kasi umiikot na ang paningin ko, lalo pa tuwing babasahin yung mga reports at documents na every minute ay di nababawasan.

Pagdating sa opisina ko, sinalubong ako ng tawag mula kay daddy. Sinabi nyang kailangan kong mag pack for a 4 day trip at isasama nya ako para ipakilala sa isang investor na nasa US. Aware akong globally ang MVC pero di ko ina asahan na weeks palang lilipad na agad ako papa ibang bansa.


"I'm sorry guys, kung ngayon lang ako nagkaroon ng time para ma meet kayo" Inabutan ko sila isa isa ng kape mula sa on trend na coffee shop sa baba.

May gratefulness naman sa bawat pag tanggap nila kaya nawala yung guilt sa dibdib ko. By 6 pm nag mi meeting pa kami at nag bre brain storming.

Gusto ko bilang leader nila na maging success ang kalabasan nitong project. Kasi alam kong napaka laki ng magiging impact nito sa sales pati na sa pag lilinis ulit ng pangalan ng kompanya.

Quarter to nine na ng mag ligpit ako ng mga gamit, kanina ko parin pina una si Magnus at nalaman kong may date sya ngayon. Mag isa nalang din yata ako dito sa kompanya na ikina takot ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now