Clingy

789 42 2
                                    


Chapter 17








__

"Saan ka pupunta?" Tanong nya ng tumayo ako para bumili ng maiinom nya at iwanan din sya habang naka break sa set.

"Bibili ng inumin mo?" Hinatak nya ako sa tabi nya para ma upo.

"No need, just massage my head" Kanina nya pa ni re reklamo na kumikirot ang ulo nya.

"Wait, hahanap narin ako ng gamot para matanggal na yung sakit" Nanlisik ang mga mata nya.

"Bakit ba atat na atat kang layasan ako? Sinabi kong dito kalang, dika ba nakaka intindi?" Tahimik nalang akong naupo sa tabi nya at hinilot ang ulo nya.

Ma ingay sa set ngayon dahil meron silang binu buong hardin kaya may mga nag pu pulpok at nagtatayo din sila ng mga poste na diko naman alam kung para saan.

Kanina ko pa gustong mag libut libot na diko magawa dahil sa ayaw nya akong mawala sa paningin nya. Dipa nga ako nakaka punta sa coffee shop dahil sa ang gusto nya lang naka tabi ako sa kanya.

"Bakit ba masakit ang ulo mo?" Tanong ko.

"Di ako naka tulog kagabi" Wala na akong sinabi sa takot na maungkat nanaman yung pangyayari kagabi. Kasi siguradong doon papunta yon.

"Dani na received mo yung message ng manager ko?" Sabay kaming lumingon sa kadarating na si Josh.

"Yeah, and like I said I'll think about it" Naupo si Josh at hilig nya talagang daldalin si Danielle kapag wala silang ginagawa.

Kahit maldita ang amo ko may twinkle parin syang tinitignan ng lalaki. Siguro fascinating lang para sa kanya si Danielle.

"Remember last time yung pinag usapan natin?" Medyo mahina ang pagkaka sabi nya at tinignan pa ako. Kaya alam ko ng cue ko yon para umalis, pero madiin syang kumapit sa braso ko.

"Iiwan kolang kayo sandali. Para makapag usap kayo" Nag tagis ang bagang nya.

"No, dyan kalang." Pointed na utos nya sakin. Saka bumaling kay Josh. "Don't worry about her, di nya kilala yung sinasabi mo saka di naman sya interested sa buhay ng ibang tao. Kaya think of her as a rock" Natawa si Josh doon, nag ikot lang naman ako ng mata at bumalik sa pagmamasahe ko.

"Fine, I'm just going to tell you na your plan worked" Giddy ang pagkakasabi ni Josh at parang lumambot din bigla ang kilos nya.

"I told you, kahit na kanino mo gamitin yon e epekto talaga." Tahimik akong nakinig, at napag-alaman ko na kung bakit sya nag liliwanag kay Josh palagi, kasi pala para sa lalaki love Guru si Danielle.

"Nag usap kami at pumayag sya na lumabas kami bukas. Tapos diba sinabi mo sakin the other week na after naming mag usap wag ko syang tatawagan? The very next day kinukulit nya na ako" Ngumisi si Danielle nakita ko yon ng tumigil na ako sa pagmamasahe sa kanya. Kumikirot narin kasi ang daliri ko.

"Just remember next time, to leave him wanting more" Nag iwas ako ng mata ng marinig na lalaki pala yung pinag uusapan nila. Mukhang tama yung mga napapansin ko.

"Niyaya nya kong sumama sa anniversary ng magulang nya. What do you think?" Nag kunwari akong nag aayos ng mga gamit nya at pasimpleng lumayo ng kaunti.

Ilang munuto nalang mag re resume na yung taping at siguro naman di nya na mapapansin yung pagkawala ko. Kanina ko pa gustong mag lakad lakad para narin malaman ko kung may niluluto nanamang plano sila Fawn.

Nitong huling mga linggo di nagiging success ang lahat ng gawin nila dahil marami na akong naging kakilala at tuwing may kagaguhang maiisip sila Fawn may mga nag sasabi na sakin ahead of time para mapigilan kong mangyari yon.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon