About Series 2

1K 35 4
                                    


I really enjoyed writing Danielle's story na diko inisip si Blaze until one stormy night😆 nag spark yung idea kaya ko naisip gawing isang series ito.

Introducing series 2.....

Stuck with you

Naniniwala kaba sa karma?

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Naniniwala kaba sa karma?

Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. 

Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masama. Hindi nya kahit kailanman, ninais na mapunta sa naglalagablab na apoy ng impyerno.

Ngunit matapos kidnap-in ng kapatid nya si Danielle, isa sa pinaka sikat na artista ng bansa. Nagimbal sya at natakot sa posibleng kahihinatnan nito.

Hanggang sa maghalo ang balat sa tinalupan at itong si Shark, mali pa ang nakuhang tao. Sa halip na si Danielle, pinsan nito ang hawak nila!

At handa syang lumuhod, mag maka-awa, at magpa alipin dito, mapatawad lang sila sa naging kasalanan ng kapatid nya.

Magiging handa parin ba sya, kung puso nya ang magiging kabayaran?

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Onde histórias criam vida. Descubra agora