What's with my Bicep?

1.1K 67 11
                                    


Chapter 7










__

Hinilot ko ang sentido habang tinitignan yung flat na gulong ng kotse. Saka ako napa tingin kay Danielle.

Alas dyes na ng gabi nasa daan pa kami hanggang sa biglang kumabig itong kotse. Saka ko na realize ang nangyari.

"What's taking you so long?" Reklamo nya.

"Bumaba ka muna dyan" Utos ko. Naka sibangot syang bumaba at sumandal sa kotse.

"What's happening ba?" Bumuntong hininga ako at kinuha sa trunk ng kotse ang mga gamit.

"Flat oh, ilawan mo ko" Lalong sumama ang tingin nya sakin.

"Bakit kailangan pa kitang tulungan? Can't you do that by yourself?" Naikuyom ko ang kamay ko sa lifter.

"Sa tingin mo ba kung kayo ko to, hihingin ko pa ang tulong mo?" Nag ikot sya ng mata.

Naupo ako sa heel ng paa ko at tinignan ang problema. Asses the problem daw, nasabasa ko yon sa isang pamphlet kanina.

"Danielle ilawan mo ko" Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at binuksan yung flashlight nito.

"Make it faster" Kinuha ko ang cross wrench at sinimulang tanggalin ang knots. Na hindi naging napakadali.

"Fuck!" Tumayo ako at sinipa ito sa sobrang sikip.

"Bakit kasi pina pairal mo ang galit dyan?" Pagak akong natawa sa kanya.

"Galing ba talaga sayo yan?" Nag ikot sya ng mata.

"I'm just saying" Umiling iling ako at nag focus nalang.

Walang mangyayari kung maiinis ako. Natanggal ko ang lahat ng turnilyo at naupo sa may semento para kunin na ang gulong.

"Matagal pa ba?" Tanong nya naman maya maya.

"Mukha bang matatapos na?" Napa ngiwi ako ng lumapit sya at batukan ako. Wala na syang cast kaya, nagagamit nya na ngayon ang dalawang kamay.

"Sumasagot ka ba?" Nag ikot ako ng mata.

Malamang sumasagot ako, nagtatanong sya eh.

Pangalawang beses nato ngayong linggo na biglang na flat ang gulong nya. At tuwing mangyayari to wala akong choice kundi ang ayusin, dahil sa malayo kami sa malapit na pagawaan.

Saka may extra-ng gulong dito sa likuran na sa palagay ko ay itinabi nung huling humawak ng sasakyan. Which is, ay yung driver na inalisan nya ng trabaho.

Kumpleto rin ang gamit. Noong una, aminado akong wala akong alam pagdating sa mga ganito, nag search lang ako online. Ngayong pangalawang beses, pwede kong sabihing nagagamay kona sya.

"Dipa ba tapos yan?" Nag tagis ang bagang ko.

"Nakita mong kaka tanggal ko palang nung gulong" Sagot ko.

Itinaas ko hanggang kilikili ang manggas ng t-shirt ko ng biglang uminit sa ginagawa ko. Itinali ko rin ang buhok, pinag papawisan na ako.

Naging magalaw yung pag iilaw nya, pero di ako nag reklamo dahil baka mamaya, matagpuan nalang akong dina humihinga sa tabi ng damuhang malapit pag na provoke pa sya.

Hiningal ako, pati kamay ko may pawis na, saka ako napa kunot noo ng mawala na sa ginagawa ko ang liwanag. Nilingon ko sya, parang naka tapat lang sa katawan ko yung ilaw. Specially sa parteng bicep ko.

"Danielle" Tumayo sya ng tuwid at ibinalik yung liwanag sa sasakyan.

Baka isip ko lang yon.

Nag punas muna ako ng kamay na medyo nadumihan ng kunin yung spare tire. Medyo labour na ang pag hinga ko ng mapunta ako sa pag kakabit na ng turnilyo.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Место, где живут истории. Откройте их для себя