Not Suitable

678 38 0
                                    

Warning!!!
Explicit Mature Content
Please proceed at your own risk

--

Chapter 29

__

"Parang depress, akala nga namin dahil doon sa naging issue nung pamilya nila. Di rin maka usap ng maayos nila Rachel diba dati nakikipag biruan pa yon?" Natanong ko sa kanya kung kamusta si Blaze ngayon.

Dahil gusto ko rin namang malaman na okay lang sya at mas makaka hinga ako kung ganoon kabilis nya lang naka limutan ang mga nangyari.

"Haist, gusto kong mag sorry ulit sa kanya" Sabi ko, sabay tungga noong alak sa baso.

"Eyen, dimo kasalanan na nagustuhan ka nya. Kaya dika dapat mag sorry maya't maya" Tinignan ko sya sa nanlalabong mata.

"Pero dapat noong una palang tinapat ko na sya. Dapat noong una palang sinabi ko ng diko sya magugustuhan. Para di na mas lumalim yung nararamdaman nya" Tumungga ulit ako at nasa plano ko ng magpaka lasing ngayon.

"Alam nya yon, kahit di mo sabihin alam nyang wala syang pag asa kasi obvious naman na. Sa loob ng limang taon diba nakakapag taka na dimo sya sinagot? In denial lang sya" Hindi ko alam kung tama si Jordan, di gaanong pumapasok sa utak ko ang sinasabi nya.

"Jo bakit nga ganoon ang pag ibig? Sinasabi kong madalas na ayaw kong mag start ng relationship kay Blaze, kasi ayokong pakisamahan ang pamilya nya, pero deep inside gusto kong ma fall sa kanya. Kasi safe pag sya" Mas tinaasan ko ang salin ng tagay ngayon.

"Eyen, sinabi nila na hindi naman daw magiging madali palagi doon sa taong pipiliin mo. Kasi ang ibibigay sayo ay yung taong susubok palagi ng pasensya mo, yung taong palaging may ituturo sayo" May nag ring na cellphone diko alam kung kanino.

"Kaya siguro minsan naiisip kong parang ang hirap nyang mahalin. Na kwento ko na bang nag away kami ni Danielle? Gusto ko syang makasama ngayon pero galit sya sakin. These last few days, pati ako natatakot sa pagiging needy ko, kasi diba nakaka sawa yon?" Narinig ko yung mahinang pag tawa nya.

"Hindi ko alam na dadating pala ang panahong ito. Matagal ko ng iniisip kung anong magiging itsura mo kapag na inlove ka. Kaya pala dina tumigil yung cellphone mo oh" Inabot nya ito sakin at nag flash yung natutulog na mukha ni Danielle na kinunan ko last month pa para maging caller ID nya.

"Hindi pala palaging masayang ma inlove. Jo tumalon ako sa tulay ng Colorado dahil sa simpleng bagay na nag aalala ako. Ikaw sa lahat ng tao yung nakakakilala sakin na di ako impulsive at di ako pabaya lalo na sa pag de desisyon." Uminom ulit ako, nag hintay naman syang ipag patuloy ko lahat ng sinasabi ko.

"Pero dumating lang sya, dumating lang sya naging pabaya na ako sa lahat ng kilos ko, kasi ang naging mahalaga lang para sakin ay yung maging ayos sya palagi. Tama ba yon? Diba parang ang toxic?" Mahina syang natawa.

"Anong toxic don? Diba normal lang na alagaan mo yung taong mahal mo? Normal lang na mag alala ka kasi mahal mo sya. Pero ang mali ay yung sya na ang maging kaligayahan mo. Kasi dimo dapat ibigay ang trabahong iyon sa iisang tao, para sa huli ay ma disappoint ka." Napa lagok ulit ako, by now sa ibang liwanag na kumi kislap ang buong paligid namin. Kahit na nasa tabi lang kami ng tindahan nila aling Bining.

"Mali ko iyon noong naging kami ni Fengs, ginawa ko syang mundo ko, lahat umiikot na sa kanya at noong mga unang araw napaka saya. Feeling ko dina ako makaka hanap ng katulad nya kasi sya lang yung may kayang makapag paramdam sakin ng ganoon, pero ngayon ko na realize na napaka mali ko." May pait syang ngumiti at till now nadudurog ang puso ko para sa kanya.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Where stories live. Discover now