Special Chapter: Mommy and Charlie Bonding

1.4K 49 20
                                    

Danielle's POV




Years Later......





"Papasok nako, yang anak mo baka malingat ka at dimo mapansing may kinakain nanaman" Ilang beses nya ng inulit yon, napa yuko na ako at na guilty nanaman.

Last time kasi na maiwan kami ni Charlie sa bahay diko napansin yung magazine na kinakain nya na pala. Pagdating ni Eyen nagsusuka ito at saka namin nakita yung mga piraso ng magazine.

And because she's so worried, kaagad naming dinala si Charlie sa hospital. Di naman naging severe at ang sabi ng doctor normal cases na raw iyon, sa edad na tatlong taon talaga daw lahat ng damputin, gugustuhin isubo ng anak namin.

"Honey, I'm sorry. When are you going to forgive for that?" Bumuntong hininga sya bago lumapit at halikan ang labi ko.

"Sabi ko sayong kapag wala ako, mag focus ka sa anak mo. Wag puro tulog ang gawin mo" Nabusangot ang mukha ko doon.

Dahil sa katatapos lang ng teleserye ko, ilang araw din naging busy ang schedule ko at sa hectic na trabaho, nasa three hours nalang yata palagi ang tulog ko.

And I can't afford that, sleep deprivation is a bitch. Ayokong mag mukhang panda. I mean,they are cute and all but still. Ayokong dahil doon iwanan ako ng asawa ko, kaya nga kahit na tamad na tamad na akong mag exercise ginagawa ko parin.

I still want to look like a goddess so my wife would never look at anyone. Dapat sakin lang palagi ang atensyon nya at dapat na ako lang din ang maganda sa mga mata nya.

"Aalis na ako bago magising yan, at siguradong di ako makaka-alis." Hinalikan nya ang noo ni Charlie na buhat ko.

Years have passed and till now, nag ta tantrums parin si Charlie once na mawala sa paningin nya ang mama nya. Pero sa ngayon pati ako ayaw nya naring nawawala sa line of sight nya.

Sa palagay ko sakin nya namana yung pagiging overly clingy nya.

"Ba-bye have fun at work mama. Wag kang titingin sa iba, akin kalang" Nag wave sya at natawa pa.

"Bye, love you both. Alagaan mo yan at patay ka sakin kapag may nangyari nanaman" Nag flying kiss nalang ako sa halip na sumagot pa.

Pinanood ko syang mag maneho palayo saka ko kinuha yung mat ko at na alala kong di nga pala ako nakapag exercise kahapon. Kailangan kong bumawi. 

Ipinatong ko sa sofa ang natutulog na si Charlie ng bigla syang dumilat. Binigyan nya ako ng malaking ngiti, hinalikan ko ang ilong nya na ikinatawa nya pa. Naupo kami ako sa tabi nya. 

"Mommy" I place her on my lap, her face is swollen from sleep. I also can't help but to embrace her fragile form.

"Mag e-exercise si mommy, do you wanna eat?" Pinisil pisil ko pa ang squishy na cheeks nya.

"Hmm, san si mama?" Napa ngiwi ako lalo na ng mag libot sya ng tingin at sinubukang hanapin si Eyen.

"Nasa shower, mabaho na sya eh kaya kailangan nya na maligo" Her cute giggles filled the entire room.

"I want dede" Hinaplos ko ang magulong buhok nya.

"Meron sa ref, gusto mo bang kumain din?" Inilapit ko pa ang tenga sa tummy nya na lalo nyang ikinahagikgik.

"Mommy, it tickles" I blow raspberries on her neck that make her full blown laugh.

Lumayo ako at pinagmasdan ang mukha ng little Eyen ko, for me talaga sya na ang pinaka cute na baby to ever exist.

Hanggang baba ang light brown na buhok nya, meron din syang bangs na every month ay pina pa style ni Eyen. Diko rin sure kung bakit obsessed sya sa buhok ni Charlie.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum