DARATING DIN ANG ARAW

10 2 0
                                    

DARATING DIN ANG ARAW

Darating din ang araw na makakasama kita.
Darating din ang araw na maghahawak-kamay tayong dalawa.
Darating din ang araw na masasabi ko sa harap mo na mahal kita.
Darating din ang araw na mahahawakan ko ang iyong kamay at ‘di na gugustuhing bitawan pa.

Darating din ang araw na mayayakap kita at mahahalikan ko ang iyong noo.
Darating din ang araw na maikukulong kita sa aking mga braso.
Yayakapin nang napakahigpit.
Hahayaan kang saki’y mangunyapit.

Kaya habang hindi pa dumarating ang araw na iyon,
Hayaan mo akong mahalin ka sa mahabang panahon.
Hanggang sa dumating ang kinasasabikan nating pagkikita sa takdang panahon.





-🖋️@EROSSCRIVENER

A/N: This is dedicated to the girl I love. The girl who always running to my mind. My girl.

Random ThoughtsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang