TULA PARA SA 'YO

14 2 0
                                    

TULA PARA SA ‘YO

Nang una kitang makita,
Nakuha mo agad ang atensyon ko sinta.
Natatakot na ba ako’y itaboy mo,
Kaya ang pakikipagkilala sa’yo dinaan sa biro

No’ng una gusto ko lang maglaro,
Ngunit binigo ako ng aking puso.
Agad sayo’y napamahal,
Pero minsan gusto na kitang masakal.

Bakit daw kita nagustuhan,
Tanong mula sa iyong nanay-nanayan.
Simple lang naman ang sagot ko riyan,
Ikaw ay aking nagustuhan,
Dahil iba ka higit kanino man.

Ugali mong hindi ganun kagandahan,
Pero aking kinagigiliwan.
Lalo na ang iyong palaging pagmumura,
Kina-aadikan ko nang sobra-sobra.

Hindi ikaw ‘yong babaeng nagbabait-baitan,
Pinapakita mo ang ugali mong ‘di kagandahan.
Hindi na ako magtataka dahil halata naman sa iyong pangalan,
Na kung isasalin sa wikang tagalog, makasalanan ang kahulugan.

Huwag mong babaguhin ‘yan,
Dahil minahal kita dahil sa ugaling ‘yan.
Handa akong intindihin ka,
Kahit na ganiyan ka.


-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon