SA AKING PANAGINIP

8 2 0
                                    

SA AKING PANAGINIP

Sa panaginip, ayaw ko nang umalis
Kung may gigising, huwag naman sana
Sa aking panaginip ako’y masaya
Pakiramdam ko ako’y nakalilipad na.

Walang mapaglagyan ang tuwang nadarama,
Dahil sa aking panaginip naroon ka,
Magkasama tayong dalawa,
Ang ating mga kamay ay magkasaklop pa.

Sa panaginip ay gusto ko nang tumira,
Kasama ka at tayo’y masaya,
Sa panaginip natin binubuo ang pangarap nating dalawa,
No’ng tayo ay iisa pa.

Ngunit ayaw nga talaga nila ako maging masaya,
Ginawa nila para ako’y magising na,
Kung saan haharapin ang reyalidad na sobrang sakit na,
Sa panaginip ko naroon ka,

Ngunit sa paggising ko,
Hindi na pala kita kasama,
Nandoon ka sa lugar kung saan wala na tayong dalawa,
Kabilang buhay kung tawagin nila.





-🖋️@EROSSCRIVENER





A/N: Dedicated again to my girl.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon