&.&

10 2 0
                                    

Nasa gilid ka na naman
Nakaupo habang luhaan
Iniisip kung bakit ka nasasaktan
At kung bakit na lagi na lang ganiyan.

Yakap-yakap mo ang iyong paa
Habang ang iyong baba ay nakapatong sa iyong tuhod
Mga luha ay patuloy pa rin sa pagpatak
“Hindi na ako iibig pang muli,” mga katagang iyong binitawan.

Dahan-dahan kang humihiga,
Ginawang unan ang iyong mga kamay
Nakatulog ka nang tumatangis dahil sa sakit
Na dinulot ng pag-ibig.


-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now