SA PUSO NG MANUNULAT

20 2 0
                                    

SA PUSO NG MANUNULAT

Sa puso ng manunulat naroon ang pangarap,
Pinagtagpi-tagpi para matupad,
Gamit ang mga letra para makabuo ng mga salita,
Lumilikha ng mga piyesang may kirot at saya.

Sa puso ng manunulat may nalilikhang mundo,
Ito'y pinagsama-samang mga ideyang nabuo,
Kumakatha ng mga tula at kuwento,
Kapupulutan ng aral ng bawat mambabasa nito.

Sa puso ng manunulat naroon ang iba't ibang hangarin,
Makapagbigay ng motibasyon at inspirasyon ang siyang mithiin,
Sa mga piyesang may magandang konklusiyon,
Hindi magmamaliw kahit paglumaan man ng panahon.

Mga parangal na makukuha ay hindi alintana,
Binibigyang importansiya ang pagkahubog at aral ng akda,
Mga piyesang dulot ay mabuting pagbabago,
Siyang nakatanim sa puso ng manunulat na tulad ko.

-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now