MANDIRIGMANG MANUNULAT

16 2 0
                                    

MANDIRIGMANG MANUNULAT

Kay dami na ng laban ang napagtagumpayan,
Laban kung saan gamit ang isip at kakayahan,
Ako'y mandirigma na hindi lakas ang gamit,
Kung hindi ang aking malawak na imahinasyon.

Papel ang aking kalasag,
Ang armas ay ang aking panulat,
Ang dugong dumadaloy sa aking katawan ang magsisilbing tinta,
Magsusulat ng iba't-iba ang paksa.

Handa nang makipaglaban,
Bitbit ang armas at lakas ng loob,
Ang mandirigmang manunulat,
Handa na muling maglayag.


-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now