&.&

6 2 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo,
Nagsimulang gumalaw ang oras sa kan’yang relo
Hinihintay ang oras na itanakda nito
Sa kan’yang isinagawang plano.

Apat, lima, anim,
Kan’yang hinanda ang gagamitin niyang patalim

Pito, walo, siyam,
Ngisi ay agad na bumalatay,
Ngisi ng taong pápátay,
Hindi ka iiwang buhay, idadala ka pa sa inihanda niyang hukay.

Sa pagbilang niya ng sampu,
Patalim na hawak niya’y itinárák sa ‘yong puso,
Dahilan para agad na sumirit ang ‘yong dugo,
At ang buhay mo’y mapugto.





-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now