PAKSA

111 2 0
                                    

PAKSA


Buo na ang mga salita,
Ngunit walang tugma.
Pakiramdam ko’y kulang pa rin,
Hindi alam kung sa’n hahagilapin.
Mali yata ang aking ginagawa,
O baka mali lang ang naging paksa.

Paano kaya ang mga ito tutugma,
Kung ang paksa’y hindi tama?
Dapat ko na bang sirain,
Ang mga salitang pinaghirapang pagdikitin?
O baka kailangan lang palitan ang paksa,
Nang ang mga salita’y tumugma?


                          
-

🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now